Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 14:13-23

Mateo 14:13-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Nang marinig ni Jesus ang pagkamatay ni Juan, sumakay siya sa isang bangka at pumunta sa isang lugar na walang tao. Ngunit nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila'y naglakad papalabas sa kani-kanilang bayan at sinundan si Jesus. Pagdating ni Jesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong iyon. Nahabag siya sa kanila kaya't pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila. Nang dapit-hapon na'y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, “Malapit na pong lumubog ang araw at ilang ang lugar na ito. Papuntahin na po ninyo sa mga kalapit na nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.” “Hindi na sila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila,” sabi ni Jesus. Sumagot sila, “Wala po tayong pagkain kundi limang tinapay lamang at dalawang isda.” “Dalhin ninyo rito,” sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. Nakakain at nabusog ang lahat. Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing ng tinapay. May limanlibong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata. Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo. Samantala, pinauwi naman niya ang mga tao. Matapos niyang paalisin ang mga ito, mag-isa siyang umakyat sa bundok upang manalangin. Nag-iisa siyang inabutan doon ng gabi.

Mateo 14:13-23 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Nang mabalitaan iyon ni Hesus, sumakay siya sa bangka at pumunta sa isang tahimik na lugar. Nang malaman ng mga tao mula sa ibaʼt ibang bayan na nakaalis na si Hesus, naglakad sila patungo sa lugar na pupuntahan niya. Kaya nang bumaba si Hesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit. Nang magdapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.” Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi na nila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Mayroon lang po tayong limang tinapay at dalawang isda.” “Dalhin ninyo ang mga ito sa akin,” ang sabi ni Hesus. Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang kaing. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga limang libo, maliban pa sa mga babae at mga bata. Pagkatapos, pinasakay agad ni Hesus sa bangka ang mga alagad niya at pinauna sa kabila ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. Nang makaalis na ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok para manalangin. Inabot na siya roon ng gabi.

Mateo 14:13-23 Ang Biblia (TLAB)

Nang marinig nga ito ni Jesus, ay lumigpit sila mula roon, sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod: at nang mabalitaan ito ng mga karamihan, ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan. At siya'y lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at nahabag siya sa kanila, at pinagaling niya ang sa kanila'y mga may sakit. At nang nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas na sa panahon; paalisin mo na ang mga karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon, at sila'y mangakabili ng kanilang makakain. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain. At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda. At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin. At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila'y magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan. At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol, na labingdalawang bakol na puno. At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga bata. At pagdaka'y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong, at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo, hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan. At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siya'y nagiisa doon.

Mateo 14:13-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Nang marinig ni Jesus ang pagkamatay ni Juan, sumakay siya sa isang bangka at pumunta sa isang lugar na walang tao. Ngunit nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila'y naglakad papalabas sa kani-kanilang bayan at sinundan si Jesus. Pagdating ni Jesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong iyon. Nahabag siya sa kanila kaya't pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila. Nang dapit-hapon na'y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, “Malapit na pong lumubog ang araw at ilang ang lugar na ito. Papuntahin na po ninyo sa mga kalapit na nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.” “Hindi na sila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila,” sabi ni Jesus. Sumagot sila, “Wala po tayong pagkain kundi limang tinapay lamang at dalawang isda.” “Dalhin ninyo rito,” sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. Nakakain at nabusog ang lahat. Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing ng tinapay. May limanlibong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata. Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo. Samantala, pinauwi naman niya ang mga tao. Matapos niyang paalisin ang mga ito, mag-isa siyang umakyat sa bundok upang manalangin. Nag-iisa siyang inabutan doon ng gabi.

Mateo 14:13-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)