Mateo 12:27 - Compare All Versions
Mateo 12:27 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul, kaninong kapangyarihan naman nagpapalayas ng demonyo ang inyong mga tagasunod? Ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na maling-mali kayo.
Mateo 12:27 ASD (Ang Salita ng Diyos)
At kung si Satanas nga ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa mga alagad ninyo na nagpapalayas din ng masasamang espiritu? Sila na rin ang nagpapatunay na mali kayo.
Mateo 12:27 TLAB (Ang Biblia)
At kung sa pamamagitan ni Beelzebub ay nagpapalabas ako ng mga demonio, ang inyong mga anak sa kaninong pamamagitan sila'y pinalalabas? kaya nga sila ang inyong magiging mga hukom.
Mateo 12:27 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul, kaninong kapangyarihan naman nagpapalayas ng demonyo ang inyong mga tagasunod? Ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na maling-mali kayo.
Mateo 12:27 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))