Mateo 12:11-12
Mateo 12:11-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sumagot siya, “Kung kayo'y may tupang mahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, hindi ba ninyo ito iaahon? Higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't naaayon sa Kautusan ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”
Mateo 12:11-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ni Hesus sa kanila, “Halimbawa, may tupa kayong nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan na lang ba ninyo? Hindi ba ninyo iaahon? Higit pang mahalaga ang tao kaysa sa tupa! Kaya nga ipinapahintulot sa Kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”
Mateo 12:11-12 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin? Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.
Mateo 12:11-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sumagot siya, “Kung kayo'y may tupang mahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, hindi ba ninyo ito iaahon? Higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't naaayon sa Kautusan ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”
Mateo 12:11-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)