Mateo 11:11-12
Mateo 11:11-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tandaan ninyo: higit na dakila si Juan na Tagapagbautismo kaysa sinumang isinilang sa daigdig, ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya. Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok ng mga taong mararahas.
Mateo 11:11-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan na Tagapagbautismo. Ngunit ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Langit ay mas dakila pa sa kanya. Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng Langit ay dumaranas ng matinding pag-atake mula sa mga mararahas na taong sumasalungat dito.
Mateo 11:11-12 Ang Biblia (TLAB)
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya. At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas.
Mateo 11:11-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tandaan ninyo: higit na dakila si Juan na Tagapagbautismo kaysa sinumang isinilang sa daigdig, ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya. Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok ng mga taong mararahas.
Mateo 11:11-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)