Mateo 10:8 - Compare All Versions
Mateo 10:8 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.
Mateo 10:8 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Pagalingin nʼyo ang mga may sakit, buhayin nʼyo ang mga patay, pagalingin nʼyo ang mga may malubhang sakit sa balat, at palayasin nʼyo ang mga demonyo. Tinanggap nʼyo ang kapangyarihang ito nang walang bayad, kaya ipamahagi rin ninyo nang walang bayad.
Mateo 10:8 TLAB (Ang Biblia)
Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.
Mateo 10:8 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.
Mateo 10:8 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))