Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 10:2-4 - Compare All Versions

Mateo 10:2-4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus.

Mateo 10:2-4 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simon (na tinatawag ding Pedro), at ang kanyang kapatid na si Andres, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus kinalaunan.

Mateo 10:2-4 TLAB (Ang Biblia)

Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan; Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo; Si Simon na Cananeo, at si Judas Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo.

Mateo 10:2-4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus.

Mateo 10:2-4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))