Mateo 10:1-2
Mateo 10:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo
Mateo 10:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Tinawag ni Hesus ang kanyang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu at magpagaling ng anumang sakit at karamdaman. Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simon (na tinatawag ding Pedro), at ang kanyang kapatid na si Andres, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo
Mateo 10:1-2 Ang Biblia (TLAB)
At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman. Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan
Mateo 10:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo
Mateo 10:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)