Mateo 1:22-23
Mateo 1:22-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’” (Ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”.)
Mateo 1:22-23 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Magdadalantao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel” (na ang ibig sabihin ay “Kasama natin ang Diyos”).
Mateo 1:22-23 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.
Mateo 1:22-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’” (Ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”.)
Mateo 1:22-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)