Mateo 1:1-2
Mateo 1:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham. Mula kay Abraham hanggang kay Haring David, ang mga ninuno ni Jesus ay sina: Abraham, Isaac, Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid, Juda, Fares at Zara na mga anak ni Juda kay Tamar, Esrom na anak ni Fares, Aram, Aminadab, Naason, Salmon, Boaz na anak ni Salmon kay Rahab, Obed na anak ni Boaz kay Ruth, at Jesse na ama ni Haring David.
Mateo 1:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang talaan ng mga ninuno ni Hesus, ang Mesias na mula sa angkan ni David na mula sa lahi ni Abraham: Si Abraham ang ama ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, at si Jacob ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid
Mateo 1:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Ang aklat ng lahi ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham. Naging anak ni Abraham si Isaac; at naging anak ni Isaac si Jacob; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid
Mateo 1:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)