Malakias 3:17-18
Malakias 3:17-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Magiging akin sila,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. “Sa araw na ako'y kumilos, itatangi ko sila bilang sariling akin. Ililigtas ko sila, tulad ng pagliligtas ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya. Muli ninyong makikita ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama, ng taong naglilingkod sa Diyos at ng hindi naglilingkod sa kanya.”
Malakias 3:17-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ng PANGINOON ng mga Hukbo, “Sa araw ng paghatol ko, silaʼy magiging akin, at ituturing ko silang isang natatanging kayamanan. Hindi ko sila parurusahan, tulad ng isang amang kinahahabagan ang kanyang anak na naglilingkod sa kanya at hindi niya ito parurusahan. At muli ninyong makikita ang pagkakaiba ng taong mabuti at ng taong masama, at ang pagkakaiba ng naglilingkod sa Diyos at ng hindi.”
Malakias 3:17-18 Ang Biblia (TLAB)
At sila'y magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin, sa makatuwid baga'y isang tanging kayamanan; at akin silang kaaawaan, na gaya ng isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya. Kung magkagayo'y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama, yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya.
Malakias 3:17-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Magiging akin sila,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. “Sa araw na ako'y kumilos, itatangi ko sila bilang sariling akin. Ililigtas ko sila, tulad ng pagliligtas ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya. Muli ninyong makikita ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama, ng taong naglilingkod sa Diyos at ng hindi naglilingkod sa kanya.”
Malakias 3:17-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)