Lucas 7:21-22
Lucas 7:21-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang mga sandaling iyon, si Jesus ay nagpapagaling ng mga maysakit at mga may matinding karamdaman at mga sinasapian ng masasamang espiritu. Marami ding mga bulag ang pinagkalooban niya ng paningin. Kaya't sinabi niya sa mga sugo ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong nakita at narinig; nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.
Lucas 7:21-22 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang mga sandaling iyon, maraming pinagaling si Hesus na mga maysakit sa ibaʼt ibang uri ng karamdaman, at mga sinasapian ng masasamáng espiritu. Marami din siyang pinagaling na mga bulag. Kaya sinabi niya sa mga alagad ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang nakita at narinig ninyo: Nakakakita na ang mga bulag, nakakalakad na ang mga lumpo, gumaling na ang mga may malubhang sakit sa balat, at nakakarinig na ang mga bingi. Muling binuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.
Lucas 7:21-22 Ang Biblia (TLAB)
Nang oras na yaon ay nagpagaling siya ng maraming may sakit at mga pagkasalot at masasamang espiritu; at kaniyang pinagkaloobang mangakakita ang maraming bulag. At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo, at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig; ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nagsisilakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, ang mga patay ay ibinabangon, sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.
Lucas 7:21-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang mga sandaling iyon, si Jesus ay nagpapagaling ng mga maysakit at mga may matinding karamdaman at mga sinasapian ng masasamang espiritu. Marami ding mga bulag ang pinagkalooban niya ng paningin. Kaya't sinabi niya sa mga sugo ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong nakita at narinig; nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.
Lucas 7:21-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)