Lucas 4:9-12
Lucas 4:9-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka dahil nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,’ at ‘Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.’” Subalit sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos!’”
Lucas 4:9-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, sa pinakamataas na bahagi ng Templo, at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: ‘Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na ingatan ka. Aalalayan ka nila upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.’ ” Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi rin sa Kasulatan, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.’ ”
Lucas 4:9-12 Ang Biblia (TLAB)
At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba: Sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ikaw ay ingatan: At, Aalalayan ka nila ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Nasasabi, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.
Lucas 4:9-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka dahil nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,’ at ‘Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.’” Subalit sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos!’”
Lucas 4:9-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)