Lucas 3:15-16
Lucas 3:15-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo, at inakala nilang si Juan mismo ang kanilang hinihintay. Dahil dito sinabi niya sa kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng apoy. Siya'y higit na makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas.
Lucas 3:15-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang marinig ito ng mga tao, lalo silang nanabik sa pagdating ng Mesias at inisip nila na baka si Juan na nga ang hinihintay nila. Ngunit sinabi ni Juan sa kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit may isang darating na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy.
Lucas 3:15-16 Ang Biblia (TLAB)
At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo; Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy
Lucas 3:15-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo, at inakala nilang si Juan mismo ang kanilang hinihintay. Dahil dito sinabi niya sa kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng apoy. Siya'y higit na makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas.
Lucas 3:15-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)