Lucas 20:20-26
Lucas 20:20-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't naghintay sila ng magandang pagkakataon. Sinuhulan nila ang ilang katao upang magkunwaring naghahanap ng katotohanan. Ginawa nila ito upang siluin si Jesus sa kanyang pananalita, at nang sa gayon, maisasakdal siya sa gobernador. Sinabi ng mga espiya kay Jesus, “Guro, alam po naming totoo ang inyong sinasabi at itinuturo. Hindi kayo nagtatangi ng tao, kundi itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng tao. Dapat po ba tayong magbayad ng buwis sa Emperador, o hindi?” Alam ni Jesus ang kanilang masamang balak kaya't sinabi niya, “Iabot ninyo sa akin ang isang salaping pilak. Kanino ang larawan at ang pangalang nakatatak dito?” “Sa Emperador po,” tugon nila. Sinabi naman ni Jesus, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa Emperador, at sa Diyos ang para sa Diyos.” Nabigo sa harap ng madla ang hangarin nilang masilo siya sa kanyang pananalita. At hindi sila nakaimik dahil sa pagkagulat sa kanyang sagot.
Lucas 20:20-26 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kaya naghintay na lang sila ng ibang pagkakataon. Nagsugo sila ng mga espiya na magpapanggap na mabuti ang layunin nila sa pagpunta kay Hesus upang hulihin siya sa mga pananalita niya at maisakdal sa gobernador. Sinabi ng mga espiya kay Hesus, “Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi at itinuturo ninyo. At wala kayong pinapaboran. Sa halip ay itinuturo ninyo kung ano ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Sabihin nʼyo po, nararapat po ba na magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?” Ngunit alam ni Hesus ang katusuhan nila, kaya sinabi niya, “Patingin nga ng pera. Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit dito?” Sumagot sila, “Sa Emperador.” Sinabi ni Hesus, “Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.” Nabigo ang mga espiya sa pakay nilang mabitag si Hesus sa kanyang pananalita sa harapan ng mga tao. At dahil namangha sila sa kanyang sagot, tumahimik na lang sila.
Lucas 20:20-26 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y inaabangan nila, at sila'y nangagsugo ng mga tiktik, na nangagpakunwaring mga matuwid, upang siya'y mahuli sa kaniyang salita, na siya'y maibigay sa pamiminuno at sa kapamahalaan ng gobernador. At kanilang tinanong siya, na sinasabi, Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid, at wala kang itinatanging tao, kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios. Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar, o hindi? Datapuwa't napagkilala niya ang kanilang lalang, at sinabi sa kanila, Pagpakitaan ninyo ako ng isang denario. Kanino ang larawan at ang nasusulat dito? At sinabi nila, Kay Cesar. At sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at ang sa Dios ang sa Dios. At sila'y hindi nakahuli sa kaniyang mga pananalita sa harap ng bayan: at sila'y nanganggilalas sa kaniyang sagot, at hindi nangagsiimik.
Lucas 20:20-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't naghintay sila ng magandang pagkakataon. Sinuhulan nila ang ilang katao upang magkunwaring naghahanap ng katotohanan. Ginawa nila ito upang siluin si Jesus sa kanyang pananalita, at nang sa gayon, maisasakdal siya sa gobernador. Sinabi ng mga espiya kay Jesus, “Guro, alam po naming totoo ang inyong sinasabi at itinuturo. Hindi kayo nagtatangi ng tao, kundi itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng tao. Dapat po ba tayong magbayad ng buwis sa Emperador, o hindi?” Alam ni Jesus ang kanilang masamang balak kaya't sinabi niya, “Iabot ninyo sa akin ang isang salaping pilak. Kanino ang larawan at ang pangalang nakatatak dito?” “Sa Emperador po,” tugon nila. Sinabi naman ni Jesus, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa Emperador, at sa Diyos ang para sa Diyos.” Nabigo sa harap ng madla ang hangarin nilang masilo siya sa kanyang pananalita. At hindi sila nakaimik dahil sa pagkagulat sa kanyang sagot.
Lucas 20:20-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)