Lucas 18:24-25
Lucas 18:24-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nakita ni Jesus na nalulungkot ang lalaki kaya't sinabi niya, “Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos! Mas madali pang makaraan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.”
Lucas 18:24-25 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang makita ni Hesus na nalungkot siya, sinabi niya, “Napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos. Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”
Lucas 18:24-25 Ang Biblia (TLAB)
At sa pagmamasid sa kaniya ni Jesus ay sinabi, Pagkahiraphirap na makapasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan! Sapagka't magaan pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Dios.
Lucas 18:24-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nakita ni Jesus na nalulungkot ang lalaki kaya't sinabi niya, “Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos! Mas madali pang makaraan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.”
Lucas 18:24-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)