Lucas 13:31-35
Lucas 13:31-35 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dumating noon ang ilang Pariseo at sinabi nila kay Jesus, “Umalis na kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.” Subalit sumagot siya, “Sabihin ninyo sa lalaking iyon na nagpapalayas pa ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga maysakit. Gayundin ang gagawin ko bukas, at sa ikatlong araw ay tatapusin ko ang aking gawain. Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas, at sa makalawa, sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta. “Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga isinugo ko sa iyo! Ilang beses kong sinikap na kupkupin ang iyong mga anak, gaya ng pag-aaruga ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo. Kaya't pababayaan nang lubusan ang iyong Templo. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, ‘Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’”
Lucas 13:31-35 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang mga sandaling iyon, dumating ang ilang Pariseo at sinabi kay Hesus, “Umalis na po kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.” Sumagot si Hesus, “Sabihin ninyo sa asong-gubat na iyon na patuloy akong magpapalayas ng masasamáng espiritu at magpapagaling ng may sakit ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay tatapusin ko na ang gawain ko. Bastaʼt kailangan kong ipagpatuloy ang aking paglalakbay ngayon, bukas at sa makalawa, dahil hindi dapat mamatay ang isang propeta sa labas ng Jerusalem. “Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propetang isinugo ng Diyos sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin gaya ng isang inahing manok na nagtitipon at nagkakanlong ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo. Kaya bahala na kayo sa sarili ninyo. Sapagkat hindi nʼyo na ako makikita hanggang sa dumating ang panahon na sabihin ninyo, ‘Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.’”
Lucas 13:31-35 Ang Biblia (TLAB)
Nagsidating nang oras ding yaon ang ilang Fariseo, na nangagsasabi sa kaniya, Lumabas ka, at humayo ka rito: sapagka't ibig kang patayin ni Herodes. At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo, at inyong sabihin sa sorrang yaon, Narito, nagpapalabas ako ng mga demonio at nagpapagaling ngayon at bukas, at ako'y magiging sakdal sa ikatlong araw. Gayon ma'y kailangang ako'y yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa: sapagka't hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem. Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo! Narito, sa inyo'y iniwang walang anoman ang inyong bahay: at sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.
Lucas 13:31-35 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dumating noon ang ilang Pariseo at sinabi nila kay Jesus, “Umalis na kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.” Subalit sumagot siya, “Sabihin ninyo sa lalaking iyon na nagpapalayas pa ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga maysakit. Gayundin ang gagawin ko bukas, at sa ikatlong araw ay tatapusin ko ang aking gawain. Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas, at sa makalawa, sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta. “Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga isinugo ko sa iyo! Ilang beses kong sinikap na kupkupin ang iyong mga anak, gaya ng pag-aaruga ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo. Kaya't pababayaan nang lubusan ang iyong Templo. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, ‘Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’”
Lucas 13:31-35 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)