Lucas 13:18-21
Lucas 13:18-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Jesus, “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Saan ko ito maihahambing? Ang katulad nito'y isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito'y lumaki hanggang sa maging isang punongkahoy, at ang mga ibon ay nagpupugad sa mga sanga nito.” Sinabi pa ni Jesus, “Saan ko ihahambing ang paghahari ng Diyos? Ito ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong bakol na harina, kaya't umaalsa ang buong masa.”
Lucas 13:18-21 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nagpatuloy si Hesus sa pagtuturo niya, “Saan kaya maihahalintulad ang paghahari ng Diyos? Saan ko ito maihahambing? Katulad ito ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang taniman. Tumubo iyon at naging punongkahoy, at pinamugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.” Sinabi pa ni Hesus, “Saan ko pa kaya maihahambing ang paghahari ng Diyos? Katulad ito ng pampaalsang inihalo ng isang babae sa malaking palanggana ng harina, at napaalsa nito ang buong masa ng harina.”
Lucas 13:18-21 Ang Biblia (TLAB)
Sinabi nga niya, Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad? Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at ito'y sumibol, at naging isang punong kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit. At muling sinabi niya, Sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios? Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.
Lucas 13:18-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Jesus, “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Saan ko ito maihahambing? Ang katulad nito'y isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito'y lumaki hanggang sa maging isang punongkahoy, at ang mga ibon ay nagpupugad sa mga sanga nito.” Sinabi pa ni Jesus, “Saan ko ihahambing ang paghahari ng Diyos? Ito ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong bakol na harina, kaya't umaalsa ang buong masa.”
Lucas 13:18-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)