Lucas 12:1-3
Lucas 12:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Samantala, dumaragsa ang libu libong tao, at sa sobrang dami ay nagkakatapakan na sila. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo; sila ay mga mapagkunwari. Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.
Lucas 12:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Libu-libong tao ang dumagsa kay Hesus, kaya nagkakatapakan na sila. Binalaan ni Hesus ang mga alagad niya, “Mag-ingat kayo at baka mahawa kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo. Ang ibig kong sabihin ay ang kanilang pagpapakitang-tao. Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag. Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kuwarto ay malalaman ng lahat.
Lucas 12:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Samantalang nangagkakatipon ang libolibong tao, na ano pa't nagkakayapakan silasila, ay nagpasimula siyang magsalita muna sa kaniyang mga alagad, Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo, na ito'y pagpapaimbabaw nga. Datapuwa't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag: at natatago, na hindi malalaman. Kaya nga, ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan, at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid, ay ipagsisigawan sa mga bubungan.
Lucas 12:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Samantala, dumaragsa ang libu libong tao, at sa sobrang dami ay nagkakatapakan na sila. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo; sila ay mga mapagkunwari. Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.
Lucas 12:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)