Levitico 18:1-5
Levitico 18:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, “Ito ang sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako si Yahweh ang inyong Diyos. Huwag ninyong gagayahin ang mga kaugalian sa Egipto na inyong pinanggalingan o ang mga kaugalian sa Canaan na pagdadalhan ko sa inyo. Ang sundin ninyo'y ang mga kautusan at tuntuning ibinigay ko sa inyo. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos. Ang sinumang tutupad ng aking mga kautusan at tuntunin ay mabubuhay; ako si Yahweh.’
Levitico 18:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Inutusan ng PANGINOON si Moises na sabihin ito sa mga Israelita: Ako ang PANGINOON na inyong Diyos. Huwag nʼyong gawin ang mga ginagawa ng mga taga-Ehipto, kung saan kayo tumira noon. Huwag din ninyong gayahin ang mga ginagawa ng mga taga-Canaan na pagdadalhan ko sa inyo. Dapat ninyong sundin ang aking mga utos at mga tuntunin dahil ang sinumang susunod dito ay mabubuhay. Ako ang PANGINOON na inyong Diyos.
Levitico 18:1-5 Ang Biblia (TLAB)
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ako ang Panginoon ninyong Dios. Huwag kayong gagawa ng gaya ng ginawa sa lupain ng Egipto na inyong tinahanan: at huwag din kayong gagawa ng gaya ng ginagawa sa lupain ng Canaan, na pinagdadalhan ko sa inyo: ni huwag kayong lalakad ng ayon sa mga palatuntunan nila. Tutuparin ninyo ang aking mga kahatulan, at iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan, na inyong lalakaran: ako ang Panginoon ninyong Dios. Tutuparin nga ninyo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan: na ikabubuhay ng mga taong magsisitupad: ako ang Panginoon.
Levitico 18:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, “Ito ang sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako si Yahweh ang inyong Diyos. Huwag ninyong gagayahin ang mga kaugalian sa Egipto na inyong pinanggalingan o ang mga kaugalian sa Canaan na pagdadalhan ko sa inyo. Ang sundin ninyo'y ang mga kautusan at tuntuning ibinigay ko sa inyo. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos. Ang sinumang tutupad ng aking mga kautusan at tuntunin ay mabubuhay; ako si Yahweh.’
Levitico 18:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)