Levitico 11:13-19
Levitico 11:13-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Tungkol naman sa mga ibon, ang mga ito ang huwag ninyong kakainin sapagkat marurumi: ang agila, ang buwitre at ang agilang-dagat; ang lawin at ang limbas at mga kauri nito; lahat ng uri ng uwak; ang ostrits, panggabing lawin, lawing dagat at mga kauri nito; lahat ng uri ng kuwago, ibong maninisid ng isda, ang kuwagong parang may sungay, at ang pelicano; ang lahat ng uri ng tagak, ang tariktik, paniki at kabag.
Levitico 11:13-19 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Huwag ninyong kakainin ang mga ibon katulad ng agila, uwak, ibon na kumakain ng bangkay ng tao o hayop, lawin, kuwago, ibong naninila, ibong dumadagit ng isda, tagak, at paniki. Ituring ninyong kasuklam-suklam ang mga ibon na ito.
Levitico 11:13-19 Ang Biblia (TLAB)
At sa mga ibon ay aariin ninyong karumaldumal ang mga ito; hindi kakanin, mga karumaldumal nga; ang agila, ang agilang dumudurog ng mga buto, at ang agilang dagat: At ang lawin, at ang limbas, ayon sa kaniyang pagkalimbas; Lahat ng uwak ayon sa kaniyang pagkauwak; At ang avestruz, at ang chotacabras at ang gaviota, at ang gavilan ayon sa kaniyang pagkagavilan; At ang maliit na kuwago, at ang somormuho, at ang malaking kuwago; At ang kuwagong tila may sungay at ang pelikano, at ang buitre; At ang ciguena, ang tagak ayon sa kaniyang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.
Levitico 11:13-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Tungkol naman sa mga ibon, ang mga ito ang huwag ninyong kakainin sapagkat marurumi: ang agila, ang buwitre at ang agilang-dagat; ang lawin at ang limbas at mga kauri nito; lahat ng uri ng uwak; ang ostrits, panggabing lawin, lawing dagat at mga kauri nito; lahat ng uri ng kuwago, ibong maninisid ng isda, ang kuwagong parang may sungay, at ang pelicano; ang lahat ng uri ng tagak, ang tariktik, paniki at kabag.
Levitico 11:13-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)