Levitico 10:1-3
Levitico 10:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang dalawang anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu ay kumuha ng sunugan ng insenso, nilagyan nila ito ng apoy at nagsunog ng insenso at humarap kay Yahweh. Ngunit gumamit sila ng apoy na hindi nararapat, sapagkat hindi ito iyong iniutos sa kanila ni Yahweh. Kaya't mula kay Yahweh ay lumabas ang apoy at tinupok sila. Sinabi ni Moises kay Aaron, “Ito ang kahulugan ng sinabi ni Yahweh: ‘Dapat akong kilalaning banal ng sinumang lumalapit sa akin at dapat akong parangalan sa harapan ng mga tao.’” Hindi nakaimik si Aaron.
Levitico 10:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang dalawang anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu ay kapwa kumuha ng lalagyan ng insenso. Nilagyan nila ito ng mga baga at insenso at inihandog sa PANGINOON. Ngunit ang ginawa nilang itoʼy hindi ayon sa utos ng PANGINOON, dahil iba ang apoy na kanilang ginamit para rito. Kaya nagpadala ng apoy ang PANGINOON at sinunog sila hanggang sa silaʼy mamatay sa harapan ng PANGINOON. Sinabi ni Moises kay Aaron, “Iyan ang ibig sabihin ng PANGINOON nang sabihin niya: ‘Malalaman ng mga lumalapit sa akin na akoʼy banal; Mapaparangalan ako sa harapan ng lahat ng tao.’ ” Hindi umimik si Aaron.
Levitico 10:1-3 Ang Biblia (TLAB)
At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawa't isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila'y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila. At sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ng Panginoon. Nang magkagayo'y sinabi ni Moises kay Aaron, Ito ang sinalita ng Panginoon, na sinasabi, Ako'y babanalin ng mga lumalapit sa akin, at sa harap ng buong bayan ay luluwalhatiin ako. At si Aaron ay hindi umimik.
Levitico 10:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang dalawang anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu ay kumuha ng sunugan ng insenso, nilagyan nila ito ng apoy at nagsunog ng insenso at humarap kay Yahweh. Ngunit gumamit sila ng apoy na hindi nararapat, sapagkat hindi ito iyong iniutos sa kanila ni Yahweh. Kaya't mula kay Yahweh ay lumabas ang apoy at tinupok sila. Sinabi ni Moises kay Aaron, “Ito ang kahulugan ng sinabi ni Yahweh: ‘Dapat akong kilalaning banal ng sinumang lumalapit sa akin at dapat akong parangalan sa harapan ng mga tao.’” Hindi nakaimik si Aaron.
Levitico 10:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)