Levitico 1:1-2
Levitico 1:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tinawag ni Yahweh si Moises, at mula sa Toldang Tipanan ay sinabi sa kanya, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Kung may maghahandog kay Yahweh, ang dapat niyang ihandog ay baka, tupa o kambing.’
Levitico 1:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Tinawag ng PANGINOON si Moises at kinausap siya mula sa Toldang Tipanan. Sinabi niya, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang sinumang mag-aalay ng isang hayop sa PANGINOON ay maaaring kumuha mula sa kawan ng kanyang baka, tupa, o kambing.
Levitico 1:1-2 Ang Biblia (TLAB)
At tinawag ng Panginoon si Moises at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan.
Levitico 1:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tinawag ni Yahweh si Moises, at mula sa Toldang Tipanan ay sinabi sa kanya, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Kung may maghahandog kay Yahweh, ang dapat niyang ihandog ay baka, tupa o kambing.’
Levitico 1:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)