Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 3:4-66

Mga Panaghoy 3:4-66 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Tadtad ng sugat ang buo kong katawan at bali-bali ang aking mga buto. Ibinilanggo niya ako sa kalungkutan at pagdurusa. Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan. Ginapos niya ako para hindi makatakas, pinalibutan ako ng pader na mataas. Nanambitan man ako at humingi ng tulong, hindi niya dininig ang aking dalangin. Susuray-suray ako sa tindi ng hirap, at kahit saan ako bumaling ay may pader na nakaharang. Siya'y parang osong nag-aabang sa akin; at parang leong nag-aantay. Hinabol niya ako saka niluray; at iniwang nakahandusay. Iniakma niya ang kanyang pana, at ako ang ginawang tudlaan. Tinamaan ako sa aking puso ng kanyang mga palaso. Buong araw ako'y pinagtatawanan; sa mga kwentuhan ako ay biruan. Pawang kapaitan at kalungkutan ang ipinalasap niya sa akin. Inginudngod niya sa lupa ang aking mukha at idinikdik sa bato ang aking bibig. Naglaho sa akin ang bakas ng kalusugan, maging kapayapaan at kaligayahan man. Kaya't sinasabi ko, “Nawala na ang aking lakas at ang aking pag-asa kay Yahweh.” Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan. Lagi ko itong naaalaala, at ako'y labis na napipighati. Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala. At mabuti sa isang tao na siya'y matutong magtiyaga mula sa kanyang kabataan. Kung siya'y palasapin ng kahirapan, matahimik siyang magtiis at maghintay; siya'y magpakumbabá sa harapan ni Yahweh, at huwag mawalan ng pag-asa. Tanggapin ang lahat ng pananakit at paghamak na kanyang daranasin. Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon. Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig. Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan. Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban, maging ang ating karapatan, kung tayo'y pagkaitan. Kung ang katarungan ay hayagang tinutuya, siguradong si Yahweh ay hindi magpapabaya. Walang anumang bagay na mangyayari, nang hindi sa kapahintulutan ni Yahweh. Nasa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos ang masama at mabuti. Bakit tayo magrereklamo kapag tayo'y pinaparusahan kung dahil naman ito sa ating mga kasalanan? Siyasatin nati't suriin ang ating pamumuhay, at tayo'y manumbalik kay Yahweh! Dumulog tayo sa Diyos at tayo'y manalangin: “Kami'y nagkasala at naghimagsik, at hindi mo kami pinatawad. “Sa iyong matinding galit ay hinabol mo kami at walang awang pinatay. Ang galit mo'y tila makapal na ulap na hindi malampasan ng aming mga dalangin. Ginawa mo kaming tambakan ng kasamaan ng sanlibutan. “Kinukutya kami ng aming mga kaaway; nagdaan na kami sa pagkawasak at kapahamakan, naranasan namin ang mabingit sa panganib at manginig sa takot. Hindi mapigil ang pagbalong ng aking mga luha, dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan. “Walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha, hanggang si Yahweh ay tumunghay mula sa langit at kami'y lingapin. Nagdadalamhati ako dahil sa sinapit ng mga kababaihan sa aking lunsod. “Para akong ibong binitag ng aking mga kaaway, gayong wala silang dahilan upang kamuhian ako. Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito. Lumubog ako sa tubig, at nasabi ko, ‘Wala na akong pag-asang mabuhay pa.’ “O Yahweh, tinawag ko ang iyong pangalan nang ako'y nasa kailaliman ng balon; narinig mo ang aking samo, ‘Huwag mong takpan ang iyong pandinig sa aking paghingi ng tulong!’ Nilapitan mo ako nang ika'y tawagan ko; sinabi mo sa akin, ‘Huwag kang matakot!’ “Tinulungan mo ako, Yahweh, at iniligtas mo ang aking buhay. Hindi kaila sa iyo ang kasamaang ginawa nila sa akin; bigyan mo ako ng katarungan. Nakita mo ang kanilang paghihiganti at masasamang balak laban sa akin. “Narinig mo, Yahweh, ang pangungutya nila't mga pakana laban sa akin. Nagsasalita at nag-iisip laban sa akin ang mga kaaway ko. Mula umaga hanggang gabi kanilang panunuya'y walang pasintabi. “O Yahweh, parusahan mo sila, ayon sa kanilang ginawa. Pahirapan mo sila, at iyong sumpain; habulin mo sila at iyong lipulin!”

Mga Panaghoy 3:4-66 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto. Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa. Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay. Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas. Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan. Hinarangan niya ng pader na bato ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan. Para siyang oso o leon na nag-aabang para salakayin ako. Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan. Iniumang niya ang kanyang pana at itinutok sa akin. Pinana niya ako at tumagos ito sa puso ko. Naging katawa-tawa ako sa aking mga kalahi. Buong araw nila akong inaawitan ng pangungutya. Pinuno niya ako ng labis na kapaitan at binigyan ng inuming may lason. Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba, at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa. Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan. Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa PANGINOON. Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa kong tulad ng mapait na lason. At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako. Ngunit nanunumbalik ang aking pag-asa sapagkat aking naalala: Dahil ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan kaya hindi tayo tuluyang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng PANGINOON! Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang PANGINOON ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.” Mabuti ang PANGINOON sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng PANGINOON. Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang makipamatok at sumunod. Kapag tinuturuan tayo ng PANGINOON, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti. Magpakumbaba tayo sa harap ng PANGINOON at huwag mawalan ng pag-asa. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa ang kabila. At tanggapin mo rin ang pangungutya ng iyong mga kaaway. Dahil hindi tayo itatakwil ng Panginoon magpakailanman. Ngunit kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habag at ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin. Dahil hindi siya natutuwa na tayoʼy saktan o pahirapan. Ayaw ng Panginoon na apihin ang mga bilanggo, o balewalain ang karapatan ng tao. Ayaw din ng Kataas-taasang Diyos na ipagkait ang katarungan sa sinumang tao. Nakikita niya ang lahat ng ito. Walang anumang bagay na nangyayari na hindi pinahihintulutan ng Panginoon. Hindi baʼt ang Kataas-taasang Diyos ang nagpapasya kung mangyayari ang isang bagay, mabuti man ito o masama? Kaya bakit tayong mga taoʼy magrereklamo kung pinarurusahan tayo dahil sa ating kasalanan? Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa PANGINOON. Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Diyos na nasa langit at sabihin: “PANGINOON, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo, at hindi nʼyo kami pinatawad. “Nagalit kayo sa amin at inusig kami at walang awang pinatay. Tinakpan nʼyo ng mga ulap ang inyong sarili upang hindi nʼyo marinig ang aming mga panalangin. Ginawa nʼyo kaming parang basura sa paningin ng ibaʼt ibang bansa. “Kinutya kami ng lahat ng aming mga kaaway. Dumanas kami ng matinding takot, panganib, pagkasira at kapahamakan.” Napaluha ako dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Patuloy akong iiyak, at dadaloy ang aking luha nang walang tigil, hanggang sa tumunghay ang PANGINOON mula sa langit. Labis akong nasaktan sa sinapit ng mga kababaihan ng aking lungsod. Hinahabol ako ng aking mga kaaway na parang isang ibon, kahit na wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila. Sinubukan nila akong patayin sa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon. Halos malunod na ako at ang akala koʼy mamamatay na ako. Doon sa ilalim ng balon, tumawag ako sa inyo PANGINOON. Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong. Dumating kayo nang akoʼy tumawag at sinabi ninyong huwag akong matakot. Tinulungan nʼyo ako sa aking problema, Panginoon, at iniligtas nʼyo ang aking buhay. PANGINOON, nakita ninyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan ninyo ako ng katarungan. Alam ninyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng kanilang binabalak laban sa akin. Napakinggan nʼyo, O PANGINOON, ang kanilang mga pangungutya at alam ninyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin. Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin. Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit. PANGINOON, parusahan nʼyo sila ayon sa kanilang ginagawa. Patigasin nʼyo ang mga puso nila at sumpain nʼyo sila. Sa galit nʼyo PANGINOON, habulin nʼyo sila at lipulin nang mawala na sila sa mundong ito.

Mga Panaghoy 3:4-66 Ang Biblia (TLAB)

Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto. Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam. Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon. Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala. Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing. Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas. Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako. Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako; Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana. Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan. Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw. Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo. Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo. At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan. At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo. Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya. Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon. Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan. Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya. Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa. Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan. Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man. Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan. Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao. Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa. Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan, Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon. Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon? Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti? Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan? Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon. Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit. Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad. Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa. Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin. Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan. Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin. Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba. Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan. Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan. Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit. Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan. Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan. Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato. Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay. Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay. Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing. Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot. Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay. Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap. Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin. Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin, Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw. Masdan mo ang kanilang pagupo, at ang kanilang pagtayo; ako ang kanilang awit. Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay. Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila. Iyong hahabulin sila sa galit, at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.

Mga Panaghoy 3:4-66 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Tadtad ng sugat ang buo kong katawan at bali-bali ang aking mga buto. Ibinilanggo niya ako sa kalungkutan at pagdurusa. Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan. Ginapos niya ako para hindi makatakas, pinalibutan ako ng pader na mataas. Nanambitan man ako at humingi ng tulong, hindi niya dininig ang aking dalangin. Susuray-suray ako sa tindi ng hirap, at kahit saan ako bumaling ay may pader na nakaharang. Siya'y parang osong nag-aabang sa akin; at parang leong nag-aantay. Hinabol niya ako saka niluray; at iniwang nakahandusay. Iniakma niya ang kanyang pana, at ako ang ginawang tudlaan. Tinamaan ako sa aking puso ng kanyang mga palaso. Buong araw ako'y pinagtatawanan; sa mga kwentuhan ako ay biruan. Pawang kapaitan at kalungkutan ang ipinalasap niya sa akin. Inginudngod niya sa lupa ang aking mukha at idinikdik sa bato ang aking bibig. Naglaho sa akin ang bakas ng kalusugan, maging kapayapaan at kaligayahan man. Kaya't sinasabi ko, “Nawala na ang aking lakas at ang aking pag-asa kay Yahweh.” Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan. Lagi ko itong naaalaala, at ako'y labis na napipighati. Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala. At mabuti sa isang tao na siya'y matutong magtiyaga mula sa kanyang kabataan. Kung siya'y palasapin ng kahirapan, matahimik siyang magtiis at maghintay; siya'y magpakumbabá sa harapan ni Yahweh, at huwag mawalan ng pag-asa. Tanggapin ang lahat ng pananakit at paghamak na kanyang daranasin. Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon. Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig. Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan. Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban, maging ang ating karapatan, kung tayo'y pagkaitan. Kung ang katarungan ay hayagang tinutuya, siguradong si Yahweh ay hindi magpapabaya. Walang anumang bagay na mangyayari, nang hindi sa kapahintulutan ni Yahweh. Nasa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos ang masama at mabuti. Bakit tayo magrereklamo kapag tayo'y pinaparusahan kung dahil naman ito sa ating mga kasalanan? Siyasatin nati't suriin ang ating pamumuhay, at tayo'y manumbalik kay Yahweh! Dumulog tayo sa Diyos at tayo'y manalangin: “Kami'y nagkasala at naghimagsik, at hindi mo kami pinatawad. “Sa iyong matinding galit ay hinabol mo kami at walang awang pinatay. Ang galit mo'y tila makapal na ulap na hindi malampasan ng aming mga dalangin. Ginawa mo kaming tambakan ng kasamaan ng sanlibutan. “Kinukutya kami ng aming mga kaaway; nagdaan na kami sa pagkawasak at kapahamakan, naranasan namin ang mabingit sa panganib at manginig sa takot. Hindi mapigil ang pagbalong ng aking mga luha, dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan. “Walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha, hanggang si Yahweh ay tumunghay mula sa langit at kami'y lingapin. Nagdadalamhati ako dahil sa sinapit ng mga kababaihan sa aking lunsod. “Para akong ibong binitag ng aking mga kaaway, gayong wala silang dahilan upang kamuhian ako. Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito. Lumubog ako sa tubig, at nasabi ko, ‘Wala na akong pag-asang mabuhay pa.’ “O Yahweh, tinawag ko ang iyong pangalan nang ako'y nasa kailaliman ng balon; narinig mo ang aking samo, ‘Huwag mong takpan ang iyong pandinig sa aking paghingi ng tulong!’ Nilapitan mo ako nang ika'y tawagan ko; sinabi mo sa akin, ‘Huwag kang matakot!’ “Tinulungan mo ako, Yahweh, at iniligtas mo ang aking buhay. Hindi kaila sa iyo ang kasamaang ginawa nila sa akin; bigyan mo ako ng katarungan. Nakita mo ang kanilang paghihiganti at masasamang balak laban sa akin. “Narinig mo, Yahweh, ang pangungutya nila't mga pakana laban sa akin. Nagsasalita at nag-iisip laban sa akin ang mga kaaway ko. Mula umaga hanggang gabi kanilang panunuya'y walang pasintabi. “O Yahweh, parusahan mo sila, ayon sa kanilang ginawa. Pahirapan mo sila, at iyong sumpain; habulin mo sila at iyong lipulin!”

Mga Panaghoy 3:4-66 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)