Mga Panaghoy 1:1-5
Mga Panaghoy 1:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O anong lungkot ng lunsod na dating matao! Siya na dating bantog sa buong mundo ngayo'y tulad na ng isang balo; siya na dating pangunahing lunsod ngayon ay isa nang lingkod! Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan; lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya. Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na. Ang mga taga-Juda'y nabihag at dumanas ng kalungkutan at sapilitang paglilingkod. Sa pananahanan nila sa gitna ng mga bansa'y hindi man lamang sila makapagpahinga. Napapaligiran sila ng mga kaaway, walang paraan para makatakas. Malungkot ang mga landas patungong Jerusalem, pagkat wala nang dumadalo sa kanyang mga takdang kapistahan. Wala nang nagdaraan sa kanyang mga pintuang-bayan; dumaraing at nagbubuntong-hininga ang kanyang mga pari, pinagmamalupitan ang mga dalagang mang-aawit sa templo. Napakapait ng sinapit niya! Naging panginoon niya ang kanyang mga kaaway, pinapaghirap siya ni Yahweh dahil sa marami niyang kasalanan. Wala na ang kanyang mga anak, sila'y dinalang-bihag ng kaaway.
Mga Panaghoy 1:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Napakalungkot na sa Jerusalem na dati ay puno ng mga tao. Ang kilalang-kilala noon sa buong mundo, ngayoʼy naging tulad ng isang biyuda. Kung dati ay reyna siya ng lahat ng lungsod, ngayoʼy isang alipin ang kanyang katulad. Buong pait siyang umiiyak sa magdamag. Ang mga luha niyaʼy dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Walang dumamay sa kanya kahit isa man sa kanyang mga minamahal. Siyaʼy pinagtaksilan ng lahat ng kanyang kaibigan, na ngayoʼy kanyang naging mga kaaway. Lubhang pinahirapan ang Juda at ang mga mamamayan niyaʼy binihag. Doon na sila nakatira sa ibang bansa kung saan silaʼy inalipin. Tinugis sila ng kanilang mga kaaway hanggang hindi na sila makatakas. Ang mga daan patungo sa Zion ay puno na ng kalungkutan, dahil wala nang dumadalo sa mga itinakdang pista. Sa mga pintuang-bayan ay wala na ring mga tao. Ang mga pari ay dumadaing, at ang mga dalaga ay nagdadalamhati. Napakapait ng sinapit ng Jerusalem. Pinamunuan sila ng kanilang mga kaaway, at yumaman ang mga ito. Sapagkat pinahirapan ng PANGINOON ang Jerusalem dahil napakarami nitong kasalanan. Ang kanyang mga mamamayan ay binihag ng mga kaaway.
Mga Panaghoy 1:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis! Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway. Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit. Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan. Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.
Mga Panaghoy 1:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O anong lungkot ng lunsod na dating matao! Siya na dating bantog sa buong mundo ngayo'y tulad na ng isang balo; siya na dating pangunahing lunsod ngayon ay isa nang lingkod! Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan; lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya. Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na. Ang mga taga-Juda'y nabihag at dumanas ng kalungkutan at sapilitang paglilingkod. Sa pananahanan nila sa gitna ng mga bansa'y hindi man lamang sila makapagpahinga. Napapaligiran sila ng mga kaaway, walang paraan para makatakas. Malungkot ang mga landas patungong Jerusalem, pagkat wala nang dumadalo sa kanyang mga takdang kapistahan. Wala nang nagdaraan sa kanyang mga pintuang-bayan; dumaraing at nagbubuntong-hininga ang kanyang mga pari, pinagmamalupitan ang mga dalagang mang-aawit sa templo. Napakapait ng sinapit niya! Naging panginoon niya ang kanyang mga kaaway, pinapaghirap siya ni Yahweh dahil sa marami niyang kasalanan. Wala na ang kanyang mga anak, sila'y dinalang-bihag ng kaaway.
Mga Panaghoy 1:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis! Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; Sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: Ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway. Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; Siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; Inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit. Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; Lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: Ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan. Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; Sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: Ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.