Judas 1:4-16
Judas 1:4-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
sapagkat lihim na nakapasok sa inyong samahan ang ilang taong ayaw kumilala sa Diyos. Binabaluktot nila ang aral tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos upang mabigyang katuwiran ang kanilang kahalayan. Ayaw nilang kilalanin si Jesu-Cristo, ang ating kaisa-isang Pinuno at Panginoon. Noon pa mang una, sinabi na ng kasulatan ang parusang nakalaan sa kanila. Kahit na alam na ninyo ang lahat ng ito, nais ko pa ring ipaalala sa inyo na matapos iligtas ng Panginoon ang bansang Israel sa lupain ng Egipto, pinuksa niya ang mga taong hindi nananalig sa kanya. Alalahanin din ninyo ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating kalagayan at kapangyarihan, sa halip ay iniwan ang kanilang tahanan. Kaya't sila'y ginapos ng Diyos ng di mapapatid na tanikala at ibinilanggo sa pusod ng kadiliman, hanggang sa sila'y hatulan sa dakilang Araw ng Paghuhukom. Alalahanin din ninyo na ang Sodoma at Gomorra at mga karatig-lunsod ay nalulong sa kahalayan at di karaniwang pagnanasa ng laman, kaya't sila'y pinarusahan sa apoy na di namamatay bilang babala sa lahat. Ganyan din ang mga taong ito, dahil sa kanilang mga pangitain ay dinudungisan nila ang kanilang sariling katawan, hinahamak nila ang kapangyarihan ng Diyos at nilalait ang mariringal na anghel. Kahit si Miguel na pinuno ng mga anghel, nang makipagtalo siya sa diyablo tungkol sa bangkay ni Moises, ay hindi nangahas gumamit ng paglapastangan. Ang tanging sinabi niya ay “Parusahan ka nawa ng Panginoon!” Ngunit nilalapastangan ng mga taong ito ang anumang di nila nauunawaan. Sila ay tulad ng mga hayop na ang sinusunod lamang ay ang kanilang damdamin, na siya namang magpapahamak sa kanila. Kaawa-awa sila! Kakila-kilabot ang sasapitin nila sapagkat sumunod sila sa halimbawa ni Cain. Tulad ni Balaam, hindi sila nag-atubiling gumawa ng kamalian dahil lamang sa salapi. Naghimagsik silang tulad ni Korah, kaya't sila'y namatay ding katulad niya. Napakalaking kahihiyan at kasiraang-puri ang sila'y makasama ninyo sa mga salu-salong pangmagkakapatid. Wala silang iniintindi kundi ang kanilang sarili. Para silang mga ulap na tinatangay ng hangin ngunit di nagdadala ng ulan; mga punongkahoy na binunot na pati ugat at talagang patay na dahil hindi namumunga kahit sa kapanahunan. Sila'y mga alon sa dagat na ang bula ay ang kanilang mga gawang kahiya-hiya; mga ligaw na bituin na nakalaan sa kadiliman magpakailanman. Tungkol din sa kanila ang pahayag ni Enoc, na kabilang sa ikapitong salinlahi mula kay Adan. Sinabi niya, “Tingnan ninyo! Dumarating na ang Panginoon kasama ang kanyang libu-libong mga anghel upang hatulan silang lahat. Paparusahan niya ang lahat ng ayaw kumilala sa Diyos dahil sa kanilang mga kasamaan at paglapastangan sa Diyos!” Ang mga taong ito'y walang kasiyahan, mapamintas, alipin ng kanilang masasamang nasa, mga mayayabang, at sanay na sanay manloko para makuha ang gusto nila.
Judas 1:4-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat hindi ninyo namalayang may mga taong sumapi sa inyong grupo na hindi kumikilala sa Diyos. Binabaluktot nila ang mga aral tungkol sa biyaya ng Diyos upang mabigyang katuwiran ang kahalayan nila. Noon pa man ay nakatakda na silang parusahan dahil ayaw nilang kilalanin ang Panginoong Hesu-Kristo na ating Pinuno at Panginoon. Bagamaʼt alam na ninyo ang lahat ng ito, nais ko pa ring ipaalala sa inyo na kahit iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita sa pagkaalipin sa lupain ng Ehipto, sa bandang huli ay pinuksa pa rin niya ang mga hindi nanalig sa kanya. Ipinapaalala ko rin ang tungkol sa mga anghel na hindi nakuntento sa saklaw ng kanilang kapangyarihan at sa halip ay iniwan ang kanilang katayuan. Ikinulong sila ng Diyos sa napakadilim na lugar at ginapos ng mga kadenang hindi kailanman malalagot hanggang sa dakilang araw ng paghuhukom. Gayundin ang nangyari sa Sodoma at Gomora at sa mga karatig-bayan na nalulong sa lahat ng uri ng kalaswaan, pati na sa di-likas na pagnanasang seksuwal. Pinarusahan sila sa walang hanggang apoy bilang babala sa lahat. Ganyan din iyong mga taong sumapi sa grupo ninyo. May mga pangitain silang nag-uudyok sa kanila na mamuhay nang imoral. At dahil din sa mga pangitaing iyon, ayaw nilang magpasakop sa maykapangyarihan, at hinahamak nila ang mga makalangit na nilalang. Kahit si Miguel na pinuno ng mga anghel, noong nakipagtalo siya sa diyablo kung sino sa kanila ang kukuha ng bangkay ni Moises, hindi siya nangahas na humatol nang may panlalapastangan. Sa halip, sinabi lang niya, “Sawayin ka nawa ng Panginoon!” Ngunit ang mga taong itoʼy lumalapastangan sa mga bagay na hindi nila nauunawaan. Tulad ng mga hayop na hindi nag-iisip, wala silang ibang sinusunod kundi ang likas na hilig ng kanilang katawan na siyang nagdadala sa kanila sa kapahamakan. Kahabag-habag sila! Sapagkat sinundan nila ang mga yapak ni Cain na pumatay sa kanyang kapatid. Wala silang pakundangan sa paggawa ng kamalian dahil sa salapi gaya ni Balaam. At silaʼy pupuksain dahil sa kanilang pagsuway sa Diyos tulad ni Kora na naghimagsik laban kay Moises. Ang mga taong itoʼy sumisira sa inyong pagsasalo-salo bilang magkakapatid sa Panginoon. Hindi sila nahihiyang kumain at uminom kasama ninyo dahil sarili lang nila ang kanilang iniintindi. Tulad sila ng mga ulap na walang dalang ulan na tinatangay ng hangin. Para din silang mga punong talagang patay na – wala na ngang bunga sa kapanahunan nito, binunot pa pati ugat. Tulad sila ng mababagsik na alon sa dagat; parang bulang lumilitaw ang kanilang mga kahiya-hiyang gawa. At tulad ng mga ligaw na bituin, itinakda na sila ng Diyos sa dakong napakadilim, kung saan silaʼy mananatili magpakailanman. Si Enoc, na kabilang sa ikapitong henerasyon mula kay Adan ay may propesiya tungkol sa kanila. Sinabi niya, “Makinig kayo! Darating ang Panginoon kasama ang kanyang libo-libong banal na mga anghel upang hatulan ang lahat ng tao. Paparusahan niya ang mga taong walang Diyos dahil sa masasama nilang gawa. Paparusahan din niya ang mga makasalanang ito dahil sa kanilang malulupit na salita laban sa kanya.” Ang mga taong itoʼy mareklamo, mapamintas, at ang tanging sinusunod ay ang kanilang pagnanasa. Mayabang silang magsalita at mahusay mambola para makuha ang gusto nila.
Judas 1:4-16 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo. Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya. At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw. Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan. Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno. Datapuwa't ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon. Datapuwa't ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait. Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core. Ang mga ito'y pawang mga batong natatago sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; mga alapaap na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat; Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man. At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal, Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama. Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
Judas 1:4-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
sapagkat lihim na nakapasok sa inyong samahan ang ilang taong ayaw kumilala sa Diyos. Binabaluktot nila ang aral tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos upang mabigyang katuwiran ang kanilang kahalayan. Ayaw nilang kilalanin si Jesu-Cristo, ang ating kaisa-isang Pinuno at Panginoon. Noon pa mang una, sinabi na ng kasulatan ang parusang nakalaan sa kanila. Kahit na alam na ninyo ang lahat ng ito, nais ko pa ring ipaalala sa inyo na matapos iligtas ng Panginoon ang bansang Israel sa lupain ng Egipto, pinuksa niya ang mga taong hindi nananalig sa kanya. Alalahanin din ninyo ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating kalagayan at kapangyarihan, sa halip ay iniwan ang kanilang tahanan. Kaya't sila'y ginapos ng Diyos ng di mapapatid na tanikala at ibinilanggo sa pusod ng kadiliman, hanggang sa sila'y hatulan sa dakilang Araw ng Paghuhukom. Alalahanin din ninyo na ang Sodoma at Gomorra at mga karatig-lunsod ay nalulong sa kahalayan at di karaniwang pagnanasa ng laman, kaya't sila'y pinarusahan sa apoy na di namamatay bilang babala sa lahat. Ganyan din ang mga taong ito, dahil sa kanilang mga pangitain ay dinudungisan nila ang kanilang sariling katawan, hinahamak nila ang kapangyarihan ng Diyos at nilalait ang mariringal na anghel. Kahit si Miguel na pinuno ng mga anghel, nang makipagtalo siya sa diyablo tungkol sa bangkay ni Moises, ay hindi nangahas gumamit ng paglapastangan. Ang tanging sinabi niya ay “Parusahan ka nawa ng Panginoon!” Ngunit nilalapastangan ng mga taong ito ang anumang di nila nauunawaan. Sila ay tulad ng mga hayop na ang sinusunod lamang ay ang kanilang damdamin, na siya namang magpapahamak sa kanila. Kaawa-awa sila! Kakila-kilabot ang sasapitin nila sapagkat sumunod sila sa halimbawa ni Cain. Tulad ni Balaam, hindi sila nag-atubiling gumawa ng kamalian dahil lamang sa salapi. Naghimagsik silang tulad ni Korah, kaya't sila'y namatay ding katulad niya. Napakalaking kahihiyan at kasiraang-puri ang sila'y makasama ninyo sa mga salu-salong pangmagkakapatid. Wala silang iniintindi kundi ang kanilang sarili. Para silang mga ulap na tinatangay ng hangin ngunit di nagdadala ng ulan; mga punongkahoy na binunot na pati ugat at talagang patay na dahil hindi namumunga kahit sa kapanahunan. Sila'y mga alon sa dagat na ang bula ay ang kanilang mga gawang kahiya-hiya; mga ligaw na bituin na nakalaan sa kadiliman magpakailanman. Tungkol din sa kanila ang pahayag ni Enoc, na kabilang sa ikapitong salinlahi mula kay Adan. Sinabi niya, “Tingnan ninyo! Dumarating na ang Panginoon kasama ang kanyang libu-libong mga anghel upang hatulan silang lahat. Paparusahan niya ang lahat ng ayaw kumilala sa Diyos dahil sa kanilang mga kasamaan at paglapastangan sa Diyos!” Ang mga taong ito'y walang kasiyahan, mapamintas, alipin ng kanilang masasamang nasa, mga mayayabang, at sanay na sanay manloko para makuha ang gusto nila.
Judas 1:4-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)