Judas 1:14-16
Judas 1:14-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Si Enoc, na kabilang sa ikapitong henerasyon mula kay Adan ay may propesiya tungkol sa kanila. Sinabi niya, “Makinig kayo! Darating ang Panginoon kasama ang kanyang libo-libong banal na mga anghel upang hatulan ang lahat ng tao. Paparusahan niya ang mga taong walang Diyos dahil sa masasama nilang gawa. Paparusahan din niya ang mga makasalanang ito dahil sa kanilang malulupit na salita laban sa kanya.” Ang mga taong itoʼy mareklamo, mapamintas, at ang tanging sinusunod ay ang kanilang pagnanasa. Mayabang silang magsalita at mahusay mambola para makuha ang gusto nila.
Judas 1:14-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tungkol din sa kanila ang pahayag ni Enoc, na kabilang sa ikapitong salinlahi mula kay Adan. Sinabi niya, “Tingnan ninyo! Dumarating na ang Panginoon kasama ang kanyang libu-libong mga anghel upang hatulan silang lahat. Paparusahan niya ang lahat ng ayaw kumilala sa Diyos dahil sa kanilang mga kasamaan at paglapastangan sa Diyos!” Ang mga taong ito'y walang kasiyahan, mapamintas, alipin ng kanilang masasamang nasa, mga mayayabang, at sanay na sanay manloko para makuha ang gusto nila.

Judas 1:14-16 Ang Biblia (TLAB)
At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal, Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama. Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
Judas 1:14-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tungkol din sa kanila ang pahayag ni Enoc, na kabilang sa ikapitong salinlahi mula kay Adan. Sinabi niya, “Tingnan ninyo! Dumarating na ang Panginoon kasama ang kanyang libu-libong mga anghel upang hatulan silang lahat. Paparusahan niya ang lahat ng ayaw kumilala sa Diyos dahil sa kanilang mga kasamaan at paglapastangan sa Diyos!” Ang mga taong ito'y walang kasiyahan, mapamintas, alipin ng kanilang masasamang nasa, mga mayayabang, at sanay na sanay manloko para makuha ang gusto nila.
Judas 1:14-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)