Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Judas 1:1-7

Judas 1:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Mula kay Judas, alipin ni Jesu-Cristo at kapatid ni Santiago— Para sa mga tinawag ng Diyos, mga namumuhay sa pag-ibig ng Diyos Ama at sa pag-iingat ni Jesu-Cristo. Sumagana nawa sa inyo ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig. Mga minamahal, ang nais ko sanang isulat sa inyo'y ang tungkol sa kaligtasang tinatamasa nating lahat, ngunit nakita kong ang kailangang isulat sa inyo'y isang panawagan na inyong panindigan ang pananampalatayang ipinagkaloob minsan at magpakailanman sa mga banal, sapagkat lihim na nakapasok sa inyong samahan ang ilang taong ayaw kumilala sa Diyos. Binabaluktot nila ang aral tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos upang mabigyang katuwiran ang kanilang kahalayan. Ayaw nilang kilalanin si Jesu-Cristo, ang ating kaisa-isang Pinuno at Panginoon. Noon pa mang una, sinabi na ng kasulatan ang parusang nakalaan sa kanila. Kahit na alam na ninyo ang lahat ng ito, nais ko pa ring ipaalala sa inyo na matapos iligtas ng Panginoon ang bansang Israel sa lupain ng Egipto, pinuksa niya ang mga taong hindi nananalig sa kanya. Alalahanin din ninyo ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating kalagayan at kapangyarihan, sa halip ay iniwan ang kanilang tahanan. Kaya't sila'y ginapos ng Diyos ng di mapapatid na tanikala at ibinilanggo sa pusod ng kadiliman, hanggang sa sila'y hatulan sa dakilang Araw ng Paghuhukom. Alalahanin din ninyo na ang Sodoma at Gomorra at mga karatig-lunsod ay nalulong sa kahalayan at di karaniwang pagnanasa ng laman, kaya't sila'y pinarusahan sa apoy na di namamatay bilang babala sa lahat.

Judas 1:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Mula kay Judas na lingkod ni Hesu-Kristo at kapatid ni Santiago, Sa mga tinawag ng Diyos Ama na minamahal niya at iniingatan ni Hesu-Kristo: sumainyo nawa ang nag-uumapaw na awa, kapayapaan, at pag-ibig mula sa Diyos. Mga minamahal, nais ko sanang sumulat sa inyo tungkol sa kaligtasang natanggap natin, ngunit naisip kong mas kailangan ko ngayong sumulat tungkol sa mga bagay na magpapalakas ng inyong loob upang panindigan ang pananampalatayang ipinagkatiwala nang minsanan sa mga hinirang ng Diyos. Sapagkat hindi ninyo namalayang may mga taong sumapi sa inyong grupo na hindi kumikilala sa Diyos. Binabaluktot nila ang mga aral tungkol sa biyaya ng Diyos upang mabigyang katuwiran ang kahalayan nila. Noon pa man ay nakatakda na silang parusahan dahil ayaw nilang kilalanin ang Panginoong Hesu-Kristo na ating Pinuno at Panginoon. Bagamaʼt alam na ninyo ang lahat ng ito, nais ko pa ring ipaalala sa inyo na kahit iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita sa pagkaalipin sa lupain ng Ehipto, sa bandang huli ay pinuksa pa rin niya ang mga hindi nanalig sa kanya. Ipinapaalala ko rin ang tungkol sa mga anghel na hindi nakuntento sa saklaw ng kanilang kapangyarihan at sa halip ay iniwan ang kanilang katayuan. Ikinulong sila ng Diyos sa napakadilim na lugar at ginapos ng mga kadenang hindi kailanman malalagot hanggang sa dakilang araw ng paghuhukom. Gayundin ang nangyari sa Sodoma at Gomora at sa mga karatig-bayan na nalulong sa lahat ng uri ng kalaswaan, pati na sa di-likas na pagnanasang seksuwal. Pinarusahan sila sa walang hanggang apoy bilang babala sa lahat.

Judas 1:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)