Josue 7:21-26
Josue 7:21-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa mga bagay na nasamsam ko sa Jerico, may nakita akong isang mamahaling balabal na yari sa Babilonia, halos walong librang pilak, at isang baretang ginto na mahigit pang dalawang libra. Kinuha ko ang mga iyon at ibinaon sa lupa, sa loob ng aking tolda. Nasa kailaliman po ang pilak.” Nagsugo si Josue ng dalawang tao na patakbong pumunta sa tolda ni Acan. Nakabaon nga roon ang damit at nasa ilalim nito ang pilak. Iniharap nila kay Josue at sa buong Israel ang lahat ng iyon, at inilatag sa harapan ni Yahweh. Dinala ni Josue at ng buong bayan si Acan, gayundin ang pilak, ang damit, at ang barang ginto, sa Libis ng Kaguluhan. Isinama rin nila ang kanyang asawa, mga anak, mga baka, kabayo, at tupa, tolda at lahat niyang ari-arian. At sinabi ni Josue, “Bakit mo kami ipinahamak! Ikaw naman ngayon ang ipapahamak ni Yahweh.” At pinagbabato ng buong bayan si Acan at ang buo niyang sambahayan hanggang mamatay. Sinunog silang lahat kasama ng kanilang ari-arian. Pagkatapos, tinabunan nila ng mga bato. Naroon pa hanggang ngayon ang mga batong iyon. Nawala ang galit ni Yahweh. Mula noon, ang pook na iyo'y tinawag na Libis ng Kaguluhan.
Josue 7:21-26 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa mga bagay na nasamsam natin, may nakita akong isang magandang damit na mula sa Babilonia, pilak na mga dalawang kiloʼt kalahati at isang baretang ginto na may bigat na kalahating kilo. Naakit ako sa mga ito, kaya kinuha ko. Ibinaon ko ito sa lupa sa loob ng tolda ko. Ang pilak ang nasa pinakailalim.” Kaya nagsugo si Josue ng mga tao, at patakbong pumunta ang mga ito sa tolda ni Acan. At nakita nga nila roon ang mga bagay na ibinaon, ang pilak ay nandoon nga sa ilalim nito. Dinala nila ito kay Josue at sa lahat ng mga Israelita, at inilapag sa presensya ng PANGINOON. At dinala ni Josue at ng lahat ng mga Israelita si Acan na anak ni Zera sa Lambak ng Acor, pati ang pilak, damit, isang baretang ginto, ang mga anak niya, mga baka, mga asno, mga tupa, tolda at ang lahat ng ari-arian niya. Sinabi ni Josue kay Acan, “Bakit mo kami ipinahamak? Ngayon, ipapahamak ka rin ng PANGINOON.” Binato ng mga Israelita si Acan hanggang sa mamatay. Binato rin nila ang pamilya niya at sinunog ang lahat ng bangkay at ang kanyang mga ari-arian. Pagkatapos, tinabunan nila si Acan ng mga bato. Nandoon pa ang mga bato hanggang ngayon. At ang lugar na iyon ay tinatawag na Lambak ng Acor hanggang ngayon. At napawi ang galit ng PANGINOON.
Josue 7:21-26 Ang Biblia (TLAB)
Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon. Sa gayo'y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda; at, narito, nakakubli sa kaniyang tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon. At kanilang kinuha sa gitna ng tolda, at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon. At kinuha ni Josue, at ng buong Israel na kasama niya, si Achan na anak ni Zera at ang pilak, at ang balabal, at ang dila na ginto, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang kaniyang mga baka, at ang kaniyang mga asno, at ang kaniyang mga tupa, at ang kaniyang tolda, at ang lahat niyang tinatangkilik: at kanilang isinampa sa libis ng Achor. At sinabi ni Josue, Bakit mo kami binagabag? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon. At binato siya ng mga bato ng buong Israel; at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato. At kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato, hanggang sa araw na ito; at ang Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na, Ang libis ng Achor, hanggang sa araw na ito.
Josue 7:21-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa mga bagay na nasamsam ko sa Jerico, may nakita akong isang mamahaling balabal na yari sa Babilonia, halos walong librang pilak, at isang baretang ginto na mahigit pang dalawang libra. Kinuha ko ang mga iyon at ibinaon sa lupa, sa loob ng aking tolda. Nasa kailaliman po ang pilak.” Nagsugo si Josue ng dalawang tao na patakbong pumunta sa tolda ni Acan. Nakabaon nga roon ang damit at nasa ilalim nito ang pilak. Iniharap nila kay Josue at sa buong Israel ang lahat ng iyon, at inilatag sa harapan ni Yahweh. Dinala ni Josue at ng buong bayan si Acan, gayundin ang pilak, ang damit, at ang barang ginto, sa Libis ng Kaguluhan. Isinama rin nila ang kanyang asawa, mga anak, mga baka, kabayo, at tupa, tolda at lahat niyang ari-arian. At sinabi ni Josue, “Bakit mo kami ipinahamak! Ikaw naman ngayon ang ipapahamak ni Yahweh.” At pinagbabato ng buong bayan si Acan at ang buo niyang sambahayan hanggang mamatay. Sinunog silang lahat kasama ng kanilang ari-arian. Pagkatapos, tinabunan nila ng mga bato. Naroon pa hanggang ngayon ang mga batong iyon. Nawala ang galit ni Yahweh. Mula noon, ang pook na iyo'y tinawag na Libis ng Kaguluhan.
Josue 7:21-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)