Josue 7:1-13
Josue 7:1-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit nilabag ng Israel ang utos ni Yahweh na huwag kukuha sa Jerico ng mga bagay na ipinawawasak ni Yahweh bilang handog sa kanya. Si Acan na anak ni Karmi, apo ni Zabdi at apo-sa-tuhod ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na ipinagbabawal kunin. Kaya't nagalit sa kanila si Yahweh. Samantala, nagsugo si Josue ng ilang tao buhat sa Jerico upang lihim na magmanman sa lunsod ng Ai na nasa silangan ng Bethel at malapit sa Beth-aven. Pagbabalik nila'y sinabi nila kay Josue, “Hindi na po kailangang pumaroon ang lahat. Magpadala lamang kayo ng mga dalawang libo hanggang tatlong libong mandirigma upang sumalakay sa lunsod ng Ai. Huwag na ninyong pagurin ang lahat, sapagkat maliit lang ang lunsod na iyon.” Kaya't tatlong libong Israelita lang ang sumalakay sa Ai, ngunit sila'y naitaboy ng mga tagaroon. Hinabol sila buhat sa pintuan ng lunsod hanggang sa tibagan ng bato. Tatlumpu't anim ang napatay sa kanila nang sila'y umatras pababa sa bundok, kaya't natakot sila at nasiraan ng loob. Pinunit ni Josue at ng pinuno ng Israel ang kanilang kasuotan dahil sa matinding paghihinagpis. Nagpatirapa sila sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yahweh. Naglagay din sila ng abo sa ulo bilang tanda ng kalungkutan hanggang sa paglubog ng araw. At sinabi ni Josue, “Panginoong Yahweh, bakit pa ninyo kami pinatawid ng Ilog Jordan kung ipalilipol din lamang sa mga Amoreo? Mabuti pa'y nanatili na kami sa kabila ng Jordan! Anong sasabihin ko, Panginoon, ngayong umatras sa labanan ang bayang Israel? Mababalitaan ito ng mga Cananeo at ng iba pang naninirahan sa lupaing ito. Pagtutulung-tulungan nila kaming lipulin sa balat ng lupa. Wala po ba kayong gagawin upang ipagtanggol ang inyong dakilang pangalan?” Sumagot si Yahweh, “Tumayo ka! Bakit ka nagpapatirapa nang ganyan? Nagkasala ang bayang Israel! Sumira sila sa kasunduang ibinigay ko sa kanila sapagkat kumuha sila ng mga bagay na nakatakdang wasakin. Ninakaw nila ang mga iyon, itinago at isinama sa kanilang mga ari-arian. Iyan ang dahilan kaya sila natalo ng kanilang kaaway. Natakot sila sapagkat sila rin ay dapat lipulin. Hindi ko na kayo tutulungan hanggang hindi ninyo isinusuko ang bagay na ipinagbabawal ko sa inyo. Tumayo ka at sabihin mo sa bayan na maghanda sila bukas sa pagharap sa akin, sapagkat akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay ganito ang sasabihin: ‘Ikaw rin, Israel, ay dapat wasakin sapagkat may nagtatago sa inyo ng mga bagay na ipinag-utos kong wasakin. Hindi kayo makakaharap sa inyong mga kaaway hanggang hindi naaalis sa inyo ang mga bagay na iyan!
Josue 7:1-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit nilabag ng mga Israelita ang utos na huwag kumuha ng mga bagay na dapat wasakin bilang handog sa PANGINOON. Kumuha si Acan ng mga bagay na hindi dapat kunin, kaya matindi ang galit ng PANGINOON sa kanila. Si Acan ay anak ni Carmi. Si Carmi ay anak ni Zabdi. Si Zabdi ay anak ni Zera. Nagmula sila sa lahi ni Juda. Mula sa Jerico, may mga lalaking inutusan si Josue para magmanman sa Ai, isang lungsod sa silangan ng Betel, na malapit sa Bet-aven. Kaya umalis ang mga ito at nag-espiya sa Ai. Pagbalik nila, sinabi nila kay Josue, “Hindi kailangang lumusob tayong lahat sa Ai, dahil kaunti lang naman ang mga naninirahan doon. Magpadala ka lang ng dalawang libo o kayaʼy tatlong libong tao para lumusob doon.” Kaya tatlong libong Israelita ang lumusob sa Ai, pero napaatras sila ng mga taga-Ai. Hinabol sila mula sa pintuan ng lungsod hanggang sa Shebarim, at tatlumpuʼt anim ang napatay sa kanila habang bumababa sila sa kabundukan. Kaya naduwag at natakot ang mga Israelita. Dahil sa lungkot, pinunit ni Josue at ng mga tagapamahala ng Israel ang mga damit nila, at nilagyan ng alikabok ang mga ulo nila, at nagpatirapa sila sa harapan ng Kahon ng Kasunduan ng PANGINOON hanggang sa gumabi. Sinabi ni Josue, “O Makapangyarihang PANGINOON, bakit nʼyo pa po kami pinatawid sa Ilog Jordan kung ipapatalo nʼyo rin lang naman kami sa mga Amoreo? Mabuti pang nanatili na lang kami sa kabila ng Jordan. PANGINOON, ano po ang sasabihin ko, ngayong umurong na ang mga Israelita sa mga kalaban nila? Mababalitaan ito ng mga Cananeo at ng iba pang taga-rito. Paiikutan nila kami at papatayin. Ano po ang gagawin nʼyo alang-alang sa dakila nʼyong pangalan?” Sinabi ng PANGINOON kay Josue, “Tumayo ka! Bakit ka ba nakadapa? Nagkasala ang Israel; nilabag nila ang kasunduan ko. Kumuha sila ng mga bagay na nakalaang ihandog nang buo sa akin. Ninakaw nila ito, nagsinungaling sila tungkol dito, at isinama nila ito sa mga ari-arian nila. Ito ang dahilan kung bakit hindi sila makalaban sa mga kaaway nila. Natakot sila at tumakas dahil sila mismo ay lilipulin din bilang handog sa akin. Hindi ko na kayo sasamahan kung hindi ninyo wawasakin ang mga bagay na nakalaang ihandog nang buo sa akin. “Tumayo ka at sabihin mo sa mga tao na linisin nila ang kanilang sarili para bukas, dahil ako, ang PANGINOON na Diyos ng Israel ay nagsasabi, ‘O Israel, may tinatago kayong mga bagay na nakalaang ihandog nang buo sa akin. Hindi kayo makakalaban sa mga kaaway nʼyo hanggaʼt nasa inyo ang mga bagay na ito.
Josue 7:1-13 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't ang mga anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay: sapagka't si Achan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda; ay kumuha sa itinalagang bagay, at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel. At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng Beth-aven, sa dakong silanganan ng Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai. At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti. Sa gayo'y sumampa roon sa bayan ay may tatlong libong lalake: at sila'y tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai. At ang mga lalake sa Hai ay sumakit sa kanila ng may tatlong pu't anim na lalake; at hinabol nila sila mula sa harap ng pintuang-bayan hanggang sa Sebarim, at sinaktan sila sa babaan: at ang mga puso ng mga tao ay nanglumo, at naging parang tubig. At hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matanda ng Israel; at sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo. At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo pinatawid ang bayang ito sa Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan! Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway! Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong dakilang pangalan? At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito? Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan. Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo. Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
Josue 7:1-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit nilabag ng Israel ang utos ni Yahweh na huwag kukuha sa Jerico ng mga bagay na ipinawawasak ni Yahweh bilang handog sa kanya. Si Acan na anak ni Karmi, apo ni Zabdi at apo-sa-tuhod ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na ipinagbabawal kunin. Kaya't nagalit sa kanila si Yahweh. Samantala, nagsugo si Josue ng ilang tao buhat sa Jerico upang lihim na magmanman sa lunsod ng Ai na nasa silangan ng Bethel at malapit sa Beth-aven. Pagbabalik nila'y sinabi nila kay Josue, “Hindi na po kailangang pumaroon ang lahat. Magpadala lamang kayo ng mga dalawang libo hanggang tatlong libong mandirigma upang sumalakay sa lunsod ng Ai. Huwag na ninyong pagurin ang lahat, sapagkat maliit lang ang lunsod na iyon.” Kaya't tatlong libong Israelita lang ang sumalakay sa Ai, ngunit sila'y naitaboy ng mga tagaroon. Hinabol sila buhat sa pintuan ng lunsod hanggang sa tibagan ng bato. Tatlumpu't anim ang napatay sa kanila nang sila'y umatras pababa sa bundok, kaya't natakot sila at nasiraan ng loob. Pinunit ni Josue at ng pinuno ng Israel ang kanilang kasuotan dahil sa matinding paghihinagpis. Nagpatirapa sila sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yahweh. Naglagay din sila ng abo sa ulo bilang tanda ng kalungkutan hanggang sa paglubog ng araw. At sinabi ni Josue, “Panginoong Yahweh, bakit pa ninyo kami pinatawid ng Ilog Jordan kung ipalilipol din lamang sa mga Amoreo? Mabuti pa'y nanatili na kami sa kabila ng Jordan! Anong sasabihin ko, Panginoon, ngayong umatras sa labanan ang bayang Israel? Mababalitaan ito ng mga Cananeo at ng iba pang naninirahan sa lupaing ito. Pagtutulung-tulungan nila kaming lipulin sa balat ng lupa. Wala po ba kayong gagawin upang ipagtanggol ang inyong dakilang pangalan?” Sumagot si Yahweh, “Tumayo ka! Bakit ka nagpapatirapa nang ganyan? Nagkasala ang bayang Israel! Sumira sila sa kasunduang ibinigay ko sa kanila sapagkat kumuha sila ng mga bagay na nakatakdang wasakin. Ninakaw nila ang mga iyon, itinago at isinama sa kanilang mga ari-arian. Iyan ang dahilan kaya sila natalo ng kanilang kaaway. Natakot sila sapagkat sila rin ay dapat lipulin. Hindi ko na kayo tutulungan hanggang hindi ninyo isinusuko ang bagay na ipinagbabawal ko sa inyo. Tumayo ka at sabihin mo sa bayan na maghanda sila bukas sa pagharap sa akin, sapagkat akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay ganito ang sasabihin: ‘Ikaw rin, Israel, ay dapat wasakin sapagkat may nagtatago sa inyo ng mga bagay na ipinag-utos kong wasakin. Hindi kayo makakaharap sa inyong mga kaaway hanggang hindi naaalis sa inyo ang mga bagay na iyan!
Josue 7:1-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)