Josue 7:1
Josue 7:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit nilabag ng Israel ang utos ni Yahweh na huwag kukuha sa Jerico ng mga bagay na ipinawawasak ni Yahweh bilang handog sa kanya. Si Acan na anak ni Karmi, apo ni Zabdi at apo-sa-tuhod ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na ipinagbabawal kunin. Kaya't nagalit sa kanila si Yahweh.
Josue 7:1 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit nilabag ng mga Israelita ang utos na huwag kumuha ng mga bagay na dapat wasakin bilang handog sa PANGINOON. Kumuha si Acan ng mga bagay na hindi dapat kunin, kaya matindi ang galit ng PANGINOON sa kanila. Si Acan ay anak ni Carmi. Si Carmi ay anak ni Zabdi. Si Zabdi ay anak ni Zera. Nagmula sila sa lahi ni Juda.
Josue 7:1 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't ang mga anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay: sapagka't si Achan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda; ay kumuha sa itinalagang bagay, at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel.
Josue 7:1 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit nilabag ng Israel ang utos ni Yahweh na huwag kukuha sa Jerico ng mga bagay na ipinawawasak ni Yahweh bilang handog sa kanya. Si Acan na anak ni Karmi, apo ni Zabdi at apo-sa-tuhod ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na ipinagbabawal kunin. Kaya't nagalit sa kanila si Yahweh.
Josue 7:1 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)