Josue 3:2-4
Josue 3:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkalipas ng tatlong araw, naglibot sa kampo ang mga pinuno at sinabi sa mga tao, “Kapag nakita ninyong dala ng mga paring Levita ang Kaban ng Tipan ng Diyos ninyong si Yahweh, lumakad na kayo at sumunod doon. Sa kanila ninyo malalaman kung saan kayo daraan, sapagkat hindi pa kayo nakakarating dito kahit minsan. Ngunit huwag kayong masyadong lalapit sa Kaban ng Tipan; paunahin ninyo ito nang mga 900 metro.”
Josue 3:2-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkalipas ng tatlong araw, nag-ikot sa kampo ang mga pinuno at sinabi nila sa mga tao, “Kapag nakita ninyong dinadala ng mga Levitang pari ang Kahon ng Kasunduan ng PANGINOON na inyong Diyos, sumunod kayo sa kanila, para malaman nʼyo kung saan kayo dadaan, dahil hindi pa kayo nakakadaan doon. Ngunit huwag kayong lalapit sa Kahon ng Kasunduan; magkaroon kayo ng agwat na isang kilometro.”
Josue 3:2-4 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari pagkatapos ng tatlong araw, na ang mga pinuno ay napasa gitna ng kampamento; At sila'y nagutos sa bayan, na sinasabi, Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, at dinadala ng mga saserdote na Levita, ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon. Gayon ma'y magkakapagitan sa inyo at sa kaban ng may dalawang libong siko ang sukat: huwag ninyong lapitan, upang alamin ang daan na inyong marapat paroonan; sapagka't hindi pa ninyo nararaanan ang daang ito ng una.
Josue 3:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkalipas ng tatlong araw, naglibot sa kampo ang mga pinuno at sinabi sa mga tao, “Kapag nakita ninyong dala ng mga paring Levita ang Kaban ng Tipan ng Diyos ninyong si Yahweh, lumakad na kayo at sumunod doon. Sa kanila ninyo malalaman kung saan kayo daraan, sapagkat hindi pa kayo nakakarating dito kahit minsan. Ngunit huwag kayong masyadong lalapit sa Kaban ng Tipan; paunahin ninyo ito nang mga 900 metro.”
Josue 3:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)