Josue 24:22-24
Josue 24:22-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Josue, “Kayo na rin ang mga saksi na pinili ninyong paglingkuran si Yahweh.” Sumagot naman sila, “Opo! Saksi kami.” Sinabing muli ni Josue, “Kung gayon, itapon ninyo ang mga diyus-diyosang iniingatan pa ninyo. Manumpa kayo kay Yahweh, sa Diyos ng Israel.” Sumagot muli ang mga tao, “Maglilingkod kami kay Yahweh na aming Diyos at susundin namin ang kanyang mga utos.”
Josue 24:22-24 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ni Josue, “Kayo mismo ang mga saksi sa mga sarili nʼyo na pinili ninyong paglingkuran ang PANGINOON.” Sumagot sila, “Oo, mga saksi kami.” Pagkatapos, sinabi ni Josue, “Kung ganoon, itakwil nʼyo na ang mga diyos-diyosan nʼyo at paglingkuran ninyo nang buong puso ang PANGINOON, ang Diyos ng Israel.” Sumagot kay Josue ang mga tao, “Paglilingkuran namin ang PANGINOON naming Diyos, at susundin namin ang mga utos niya.”
Josue 24:22-24 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y mga saksi laban sa inyong sarili na inyong pinili sa inyo ang Panginoon, upang paglingkuran siya. At sinabi nila, Kami ay mga saksi. Ngayon nga'y alisin ninyo, sabi niya, ang ibang mga dios na nasa gitna ninyo at ikiling ninyo ang inyong puso sa Panginoon, na Dios ng Israel. At sinabi ng bayan kay Josue, Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran, at ang kaniyang tinig ay aming didinggin.
Josue 24:22-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Josue, “Kayo na rin ang mga saksi na pinili ninyong paglingkuran si Yahweh.” Sumagot naman sila, “Opo! Saksi kami.” Sinabing muli ni Josue, “Kung gayon, itapon ninyo ang mga diyus-diyosang iniingatan pa ninyo. Manumpa kayo kay Yahweh, sa Diyos ng Israel.” Sumagot muli ang mga tao, “Maglilingkod kami kay Yahweh na aming Diyos at susundin namin ang kanyang mga utos.”
Josue 24:22-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)