Josue 18:28
Josue 18:28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Zela, Elef at Jebus (o Jerusalem), Gibeat, at Lunsod ng Jearim—labing-apat na lunsod kasama ang kanilang mga nayon. Ito ang bahagi ni Benjamin ayon sa kani-kanilang mga angkan.
Josue 18:28 Ang Salita ng Dios (ASND)
Zela, Haelef, Jebus (na siyang Jerusalem), Gibea at Kiriat Jearim – 14 na bayan, kasama ang mga baryo nito. Ito ang natanggap ng lahi ni Benjamin na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan.
Josue 18:28 Ang Biblia (TLAB)
At Sela, Eleph, at Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeath, at Chiriath; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan.