Josue 10:12-14
Josue 10:12-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Noong araw na ang mga Israelita'y pinagtagumpay ni Yahweh laban sa mga Amoreo, nakipag-usap si Josue kay Yahweh. Ito ang sinabi niya na naririnig ng buong bayan: “Huminto ka, Araw, sa tapat ng Gibeon, at ikaw rin, Buwan, sa Libis ng Ayalon.” Tumigil nga ang araw at hindi gumalaw ang buwan hanggang sa matalo ng mga Israelita ang kanilang mga kaaway. Hindi ba't nasusulat ito sa Aklat ni Jasher? Tumigil ang araw sa gitna ng langit at hindi lumubog sa buong maghapon. Kailanma'y hindi pa nangyari at hindi na muling mangyayari na si Yahweh ay sumunod sa isang tao at nakipaglaban sa panig ng Israel.
Josue 10:12-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang araw na pinagtagumpay ng PANGINOON ang mga Israelita laban sa mga Amoreo, nanalangin si Josue sa PANGINOON. Pagkatapos, sinabi niya habang nakikinig ang mga Israelita, “Araw, tumigil ka sa taas ng Gibeon! Ikaw naman buwan, tumigil ka sa taas ng Lambak ng Ayalon.” Kaya tumigil ang araw at ang buwan hanggang sa natalo nang lubusan ng mga Israelita ang mga kalaban nila. Ang pangyayaring ito ay nakasulat sa Aklat ni Jashar. Tumigil ang araw sa gitna ng langit, at hindi ito lumubog sa buong araw. Hindi pa nagkaroon ng ganitong pangyayari bago noon o simula noon, na dininig ng PANGINOON ang isang tao. Tunay ngang nakikipaglaban ang PANGINOON para sa Israel!
Josue 10:12-14 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel, Araw, tumigil ka sa Gabaon; At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon. At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw. At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel.
Josue 10:12-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Noong araw na ang mga Israelita'y pinagtagumpay ni Yahweh laban sa mga Amoreo, nakipag-usap si Josue kay Yahweh. Ito ang sinabi niya na naririnig ng buong bayan: “Huminto ka, Araw, sa tapat ng Gibeon, at ikaw rin, Buwan, sa Libis ng Ayalon.” Tumigil nga ang araw at hindi gumalaw ang buwan hanggang sa matalo ng mga Israelita ang kanilang mga kaaway. Hindi ba't nasusulat ito sa Aklat ni Jasher? Tumigil ang araw sa gitna ng langit at hindi lumubog sa buong maghapon. Kailanma'y hindi pa nangyari at hindi na muling mangyayari na si Yahweh ay sumunod sa isang tao at nakipaglaban sa panig ng Israel.
Josue 10:12-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)