Josue 1:2-3
Josue 1:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Patay na ang lingkod kong si Moises. Ngayo'y humanda ka at ang buong Israel, at tumawid kayo sa Ilog Jordan, patungo sa lupaing ibinibigay ko sa kanila. Gaya ng aking sinabi kay Moises, ibinigay ko na sa inyo ang lahat ng lupaing inyong mararating.
Josue 1:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Patay na ang lingkod kong si Moises. Kaya ngayon, maghanda kayo, ikaw at ang lahat ng Israelita, na tumawid sa Ilog Jordan papunta sa lupaing ibibigay ko sa inyo. Ang lahat ng lugar na aapakan ninyo ay ibibigay ko sa inyo, gaya ng ipinangako ko kay Moises.
Josue 1:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Si Moises na aking lingkod ay patay na; ngayon nga'y tumindig ka, tumawid ka sa Jordang ito, ikaw, at ang buong bayang ito, hanggang sa lupain na aking ibinibigay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Israel. Bawa't dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa, ay naibigay ko na sa inyo, gaya ng sinalita ko kay Moises.
Josue 1:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Patay na ang lingkod kong si Moises. Ngayo'y humanda ka at ang buong Israel, at tumawid kayo sa Ilog Jordan, patungo sa lupaing ibinibigay ko sa kanila. Gaya ng aking sinabi kay Moises, ibinigay ko na sa inyo ang lahat ng lupaing inyong mararating.
Josue 1:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)