Jonas 3:1-2 - Compare All Versions
Jonas 3:1-2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Muling sinabi ni Yahweh kay Jonas, “Pumunta ka sa Lunsod ng Nineve at ipahayag mo ang mga ipinapasabi ko sa iyo.”
Jonas 3:1-2 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Muling nagsalita ang PANGINOON kay Jonas. Sinabi niya, “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at sabihin mo sa mga tagaroon ang ipinasasabi ko sa iyo.”
Jonas 3:1-2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Muling sinabi ni Yahweh kay Jonas, “Pumunta ka sa Lunsod ng Nineve at ipahayag mo ang mga ipinapasabi ko sa iyo.”
Jonas 3:1-2 TLAB (Ang Biblia)
At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.
Jonas 3:1-2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.