Joel 3:9-11
Joel 3:9-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ipahayag mo ito sa mga bansa: Humanda kayo sa isang digmaan. Tawagin ninyo ang inyong mga mandirigma, tipunin ninyong lahat ang inyong mga kawal at sumalakay kayo! Gawin ninyong tabak ang inyong mga araro at gawing sibat ang mga panggapas. Pati ang mahihina ay kailangang makipaglaban. Pumarito kayo agad, lahat ng bansa sa paligid, at magtipon kayo sa libis.”
Joel 3:9-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Ipahayag mo ito sa mga bansa: Humanda kayo sa pakikipagdigma! Tawagin ninyo ang mga sundalo upang sumalakay. Gawin ninyong mga espada ang sudsod ng inyong mga araro at gawin ninyong mga sibat ang inyong mga panggapas. Sasabihin ng mahina, ‘Ako ay malakas.’ Pumarito kayo, lahat kayong mga bansang nasa paligid, at magtipon kayo doon sa Lambak ni Jehoshafat.
Joel 3:9-11 Ang Biblia (TLAB)
Itanyag ninyo ito sa mga bansa: mangaghanda kayo ng digma; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma, sila'y magsisampa. Gawin ninyong mga tabak ang inyong mga sudsod, at mga sibat ang inyong mga karit: magsabi ang mahina, Ako'y malakas. Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.
Joel 3:9-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ipahayag mo ito sa mga bansa: Humanda kayo sa isang digmaan. Tawagin ninyo ang inyong mga mandirigma, tipunin ninyong lahat ang inyong mga kawal at sumalakay kayo! Gawin ninyong tabak ang inyong mga araro at gawing sibat ang mga panggapas. Pati ang mahihina ay kailangang makipaglaban. Pumarito kayo agad, lahat ng bansa sa paligid, at magtipon kayo sa libis.”
Joel 3:9-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)