Joel 2:13
Joel 2:13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magsisi kayo nang taos sa puso, at hindi pakitang-tao lamang.” Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos! Siya'y mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig; laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.
Joel 2:13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang tulad ng pagpunit ninyo ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa PANGINOON na inyong Diyos, sapagkat siyaʼy mahabagin at mapagmalasakit, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig. Naghuhunos-dili siya at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.
Joel 2:13 Ang Biblia (TLAB)
At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.
Joel 2:13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Magsisi kayo nang taos sa puso, at hindi pakitang-tao lamang.” Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos! Siya'y mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig; laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.
Joel 2:13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)