Joel 1:13
Joel 1:13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magluksa kayo at tumangis, mga paring naghahandog sa altar. Pumasok kayo sa Templo at magdamag na magluksa. Walang trigo o alak na naihahandog sa inyong Diyos.
Joel 1:13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kayong mga paring naglilingkod sa altar ng aking Diyos, magsuot kayo ng sako at pumunta sa templo at umiyak buong magdamag. Sapagkat wala nang butil o inumin na ihahandog sa templo ng inyong Diyos.
Joel 1:13 Ang Biblia (TLAB)
Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios.
Joel 1:13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Magluksa kayo at tumangis, mga paring naghahandog sa altar. Pumasok kayo sa Templo at magdamag na magluksa. Walang trigo o alak na naihahandog sa inyong Diyos.
Joel 1:13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)