Job 9:1-20 - Compare All Versions
Job 9:1-20 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ito naman ang tugon ni Job: “Matagal ko nang alam ang mga bagay na iyan, ngunit sino bang matuwid sa harap ng Maykapal? Mayroon bang maaaring makipagtalo sa kanya? Sa sanlibo niyang tanong, walang makakasagot kahit isa. Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan, sinong lumaban na sa kanya at nagtagumpay? Walang sabi-sabing inuuga niya ang bundok, sa tindi ng kanyang galit, ito'y kanyang dinudurog. Ang buong lupa ay kanyang niyayanig, at inuuga niya ang saligan ng daigdig. Maaari niyang pigilan ang pagsikat ng araw, pati ang mga bituin sa kalangitan. Mag-isa niyang inilatag ang sangkalangitan, kanyang tinapakan ang dambuhalang karagatan. Siya ang gumawa ng mga bituin sa kalawakan, sa ‘Oso,’ sa ‘Orion,’ sa ‘Pleyades’ at sa mga kumpol ng mga bituin sa katimugan. Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan, ang kanyang mga himala ay hindi mabibilang. Siya'y nagdaraan ngunit hindi ko mamasdan, siya'y kumikilos ngunit hindi ko maramdaman. Nakukuha niya ang anumang magustuhan, at sa kanya'y walang makakahadlang, walang makakapagtanong, ‘Bakit mo ginawa iyan?’ “Ang poot ng Diyos ay hindi maglulubag sa mga tumulong sa dambuhalang si Rahab. Paano ko masasagot ang tanong niya sa akin? Maghahanap pa ako ng mga salitang aking bibigkasin. Kahit ako'y walang sala, ang tangi kong magagawa, sa harap ng Diyos na hukom ay magmakaawa. Kahit bayaan niyang ako'y magsalita, hindi ko rin matiyak kung ako'y papakinggan nga. Malakas na bagyo at mga sugat ang sa aki'y ibinigay, kahit wala naman siyang sapat na dahilan. Ang hininga ko ay halos kanya nang lagutin, puro kapaitan ang idinulot niya sa akin. Sa lakas niyang taglay hindi siya kayang talunin, hindi siya maaaring pilitin at sa hukuman ay dalhin. Ako'y walang kasalanan at tapat na namumuhay, ngunit bawat sabihin ko ay laban sa aking katauhan.
Job 9:1-20 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sumagot si Job, “Totoo ang sinabi mo. Ngunit paano mapapatunayan ng tao na wala siyang kasalanan sa harapan ng Diyos? Kahit na makipagtalo pa siya sa Diyos sa hukuman, wala siyang magagawa, dahil sa isang libong katanungan ng Diyos, hindi niya masasagot isa man sa mga ito. Marunong at makapangyarihan ang Diyos. Sino ang nakipaglaban sa kanya at nagtagumpay? Walang ano-anoʼy pinauuga niya ang mga bundok at natitibag ito sa tindi ng kanyang galit. Niyayanig niya ang lupa at ang mga pundasyon nito ay nauuga. Kapag inutusan niya ang araw o ang mga bituin, hindi ito sisikat o magbibigay ng liwanag. Tanging siya lamang ang nakapaglalatag ng langit at nakapagpapatigil ng alon. Siya ang manlilikha ng grupo ng mga bituin na tinatawag na Oso, Orion, Pleyades, at mga bituin sa katimugan. Gumagawa siya ng kahanga-hangang mga bagay at mga himalang hindi kayang unawain at bilangin. Kapag dumadaan siya sa tabi ko, hindi ko siya nakikita o nararamdaman. Kung may gusto siyang kunin, walang makakapigil sa kanya. At sino ang makakapagreklamo sa mga ginagawa niya? Hindi pinipigil ng Diyos ang kanyang galit. Kahit ang mga katulong ni Rahab, na halimaw sa dagat, ay yumuyukod sa takot sa kanya. “Kaya papaano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa Diyos? Ano ang mga salitang maaari kong gamitin upang makipagtalo sa kanya? Kahit na wala akong kasalanan, hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko. Ang magagawa ko lamang ay magmakaawa sa Diyos na aking Hukom. Kahit hilingin kong magkausap kami at pumayag siya, hindi pa rin niya ako pakikinggan ni paniniwalaan. Sapagkat pinapahirapan niya ako na parang sinasalanta ng bagyo, at dinadagdagan pa niya ang paghihirap ko nang walang dahilan. Halos malagot na ang aking hininga dahil sa paghihirap na kanyang idinulot sa akin. Kung lakas ang pag-uusapan walang tatalo sa kanya! At kung sa hukuman idadaan, sinong makapaghahabla sa kanya? Kahit na akoʼy walang kasalanan, hahatulan ako ng mga salitang aking tinuran. Kahit wala akong ginawang mali, isasakdal pa rin ako nito.
Job 9:1-20 TLAB (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios? Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo. Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa? Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig. Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin. Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat. Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan. Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang. Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan. Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo? Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya. Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya? Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; ako'y mamamanhik sa aking hukom. Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig. Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan. Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap. Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon? Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.
Job 9:1-20 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ito naman ang tugon ni Job: “Matagal ko nang alam ang mga bagay na iyan, ngunit sino bang matuwid sa harap ng Maykapal? Mayroon bang maaaring makipagtalo sa kanya? Sa sanlibo niyang tanong, walang makakasagot kahit isa. Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan, sinong lumaban na sa kanya at nagtagumpay? Walang sabi-sabing inuuga niya ang bundok, sa tindi ng kanyang galit, ito'y kanyang dinudurog. Ang buong lupa ay kanyang niyayanig, at inuuga niya ang saligan ng daigdig. Maaari niyang pigilan ang pagsikat ng araw, pati ang mga bituin sa kalangitan. Mag-isa niyang inilatag ang sangkalangitan, kanyang tinapakan ang dambuhalang karagatan. Siya ang gumawa ng mga bituin sa kalawakan, sa ‘Oso,’ sa ‘Orion,’ sa ‘Pleyades’ at sa mga kumpol ng mga bituin sa katimugan. Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan, ang kanyang mga himala ay hindi mabibilang. Siya'y nagdaraan ngunit hindi ko mamasdan, siya'y kumikilos ngunit hindi ko maramdaman. Nakukuha niya ang anumang magustuhan, at sa kanya'y walang makakahadlang, walang makakapagtanong, ‘Bakit mo ginawa iyan?’ “Ang poot ng Diyos ay hindi maglulubag sa mga tumulong sa dambuhalang si Rahab. Paano ko masasagot ang tanong niya sa akin? Maghahanap pa ako ng mga salitang aking bibigkasin. Kahit ako'y walang sala, ang tangi kong magagawa, sa harap ng Diyos na hukom ay magmakaawa. Kahit bayaan niyang ako'y magsalita, hindi ko rin matiyak kung ako'y papakinggan nga. Malakas na bagyo at mga sugat ang sa aki'y ibinigay, kahit wala naman siyang sapat na dahilan. Ang hininga ko ay halos kanya nang lagutin, puro kapaitan ang idinulot niya sa akin. Sa lakas niyang taglay hindi siya kayang talunin, hindi siya maaaring pilitin at sa hukuman ay dalhin. Ako'y walang kasalanan at tapat na namumuhay, ngunit bawat sabihin ko ay laban sa aking katauhan.
Job 9:1-20 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: Nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios? Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, Siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo. Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: Sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa? Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, Pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, At ang mga haligi nito ay nangayayanig. Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; At nagtatakda sa mga bituin. Na nagiisang inuunat ang langit, At tumutungtong sa mga alon ng dagat. Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, At sa mga silid ng timugan. Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang. Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: Siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan. Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo? Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; Ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya. Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, At mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya? Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; Ako'y mamamanhik sa aking hukom. Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; Gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig. Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, At pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan. Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, Nguni't nililipos niya ako ng hirap. Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon? Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: Kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.