Job 8:5-7
Job 8:5-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit kung ikaw ay lalapit at makiusap sa Diyos na Makapangyarihan, kung ikaw ay talagang tapat, at malinis ang kalooban, tutulungan ka ng Diyos; gagantimpalaan at ibabalik niya ang iyong sambahayan. Maliit na bagay ang mga nawala mong kayamanan, kung ihahambing ang sa iyo'y kanyang ibibigay.
Job 8:5-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit kung lalapit ka sa Diyos na Makapangyarihan, at magmamakaawa sa kanya, at mamumuhay nang malinis at matuwid, kahit ngayon ay agad ka niyang tutulungan at ibabalik sa mabuting kalagayan. Bagamaʼt sa maliit ka nag-umpisa, magiging masagana ang iyong hinaharap.
Job 8:5-7 Ang Biblia (TLAB)
Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat; Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran. At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
Job 8:5-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit kung ikaw ay lalapit at makiusap sa Diyos na Makapangyarihan, kung ikaw ay talagang tapat, at malinis ang kalooban, tutulungan ka ng Diyos; gagantimpalaan at ibabalik niya ang iyong sambahayan. Maliit na bagay ang mga nawala mong kayamanan, kung ihahambing ang sa iyo'y kanyang ibibigay.
Job 8:5-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung hanapin mong mainam ang Dios, At iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat; Kung ikaw ay malinis at matuwid; Walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran. At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, Gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.