Job 7:1-6
Job 7:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ang buhay ng tao'y punung-puno ng pagod, tulad ng kawal at manggagawang pilit na pinaglingkod. Siya'y tulad ng alipin, na naghahanap ng lilim, tulad ng manggagawa, sahod ang ninanasa. Buhay ko'y wala nang kahulugan sa paglipas ng mga buwan, at tuwing sasapit ang gabi ako ay nagdadalamhati. Ang gabi ay matagal, parang wala nang umaga, di mapanatag sa higaan, hanggang umaga'y balisa. Itong buo kong katawan ay tadtad ng mga sugat, inuuod, kumikirot, ang nana ay lumalabas. Mga araw ko'y lumilipas nang walang pag-asa, kay bilis umikot parang sa makina.
Job 7:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Ang buhay ng tao dito sa mundo ay napakahirap. Itoʼy kasinghirap ng araw-araw na trabaho ng isang manggagawa, o gaya ng isang aliping nagnanais na sumapit na ang hapon upang siyaʼy makapagpahinga, o tulad ng isang manggagawang naghihintay ng kanyang suweldo. Ganyan din ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang aking paghihirap na walang kabuluhan. Kahit gabiʼy naghihirap ako, at habang nakahiga ako, iniisip ko kung kailan darating ang umaga. Napakabagal ng takbo ng oras. Hindi ako mapalagay hanggang magbukang-liwayway. Ang katawan koʼy puno ng uod at langib. Nagnanana at pumuputok ang mga pigsa kong namamaga. “Lumilipas po ang aking mga araw na walang pag-asa. Mabilis itong lumilipas, higit pa sa bilis ng isang habian ng manghahabi.
Job 7:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa? Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan: Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin. Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw. Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok. Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.
Job 7:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ang buhay ng tao'y punung-puno ng pagod, tulad ng kawal at manggagawang pilit na pinaglingkod. Siya'y tulad ng alipin, na naghahanap ng lilim, tulad ng manggagawa, sahod ang ninanasa. Buhay ko'y wala nang kahulugan sa paglipas ng mga buwan, at tuwing sasapit ang gabi ako ay nagdadalamhati. Ang gabi ay matagal, parang wala nang umaga, di mapanatag sa higaan, hanggang umaga'y balisa. Itong buo kong katawan ay tadtad ng mga sugat, inuuod, kumikirot, ang nana ay lumalabas. Mga araw ko'y lumilipas nang walang pag-asa, kay bilis umikot parang sa makina.
Job 7:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa? Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, At gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan: Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan At mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin. Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi, Kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw. Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; Ang aking balat ay namamaga at putok putok. Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, At nagugugol na walang pagasa.