Job 4:1-8
Job 4:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Elifaz na Temaneo, “Huwag mo sanang ikasamâ ng loob ang aking sasabihin, di ko na kayang manahimik, di na ako makapagpigil. Marami na ring tao ang iyong naturuan, at mahihinang kamay ay iyong natulungan. Salita mo'y nagpalakas sa nanlulupaypay, sa mahina't pagod pangaral mo'y umalalay. Ngayong ikaw na ang dumaranas ng matinding kahirapan, nawawalan ka ng pag-asa at parang nais mong mabuwal? Di ba't may takot ka sa Diyos at masunurin sa kanya? Kaya dapat magtiwala ka at magkaroon ng pag-asa. “Isipin mong mabuti: mayroon bang walang sala na napahamak ang buhay, mayroon bang mabuting tao na dumanas ng kasawian? Ang alam ko'y ang mga naghahasik ng kasamaan ay sila ring nag-aani ng kaguluhan.
Job 4:1-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nagsalita si Elifaz na taga-Teman. Sinabi niya, “Magagalit ka ba kung magsasalita ako? Hindi ko na kayang manahimik. Noon, pinapayuhan mo ang maraming tao na magtiwala sa Diyos, at pinalalakas ang mahihina at nanlulupaypay. Ang mga salita moʼy nagpalakas sa kanila at umalalay sa mga nanghihina. Ngunit ngayong ikaw na ang dumaranas ng kahirapan, tila ikaw ang nanghihina at naguguluhan. Hindi baʼt kapag may takot ka sa Diyos at namumuhay ka nang matuwid, magdudulot ito sa iyo ng tiwalaʼt pag-asa? “Ngayon, isipin mong mabuti. May tao bang matuwid at walang kasalanan na napahamak? Ayon sa aking nakitaʼt nalaman, ang mga taong gumagawa ng kasamaan at kaguluhan, gayundin ang kanilang kahahantungan.
Job 4:1-8 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba? Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita? Narito, ikaw ay nagturo sa marami, at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay. Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod. Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay; ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag. Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala, at ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad? Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay? O saan nangahiwalay ang mga matuwid? Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.
Job 4:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Elifaz na Temaneo, “Huwag mo sanang ikasamâ ng loob ang aking sasabihin, di ko na kayang manahimik, di na ako makapagpigil. Marami na ring tao ang iyong naturuan, at mahihinang kamay ay iyong natulungan. Salita mo'y nagpalakas sa nanlulupaypay, sa mahina't pagod pangaral mo'y umalalay. Ngayong ikaw na ang dumaranas ng matinding kahirapan, nawawalan ka ng pag-asa at parang nais mong mabuwal? Di ba't may takot ka sa Diyos at masunurin sa kanya? Kaya dapat magtiwala ka at magkaroon ng pag-asa. “Isipin mong mabuti: mayroon bang walang sala na napahamak ang buhay, mayroon bang mabuting tao na dumanas ng kasawian? Ang alam ko'y ang mga naghahasik ng kasamaan ay sila ring nag-aani ng kaguluhan.
Job 4:1-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba? Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita? Narito, ikaw ay nagturo sa marami, At iyong pinalakas ang mahinang mga kamay. Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, At iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod. Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay; Ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag. Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala, At ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad? Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay? O saan nangahiwalay ang mga matuwid? Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, At nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.