Job 36:26-28
Job 36:26-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Di masusukat ng tao ang kanyang kadakilaan, at ang kanyang mga taon ay hindi rin mabibilang. “Ang tubig sa lupa'y itinataas ng Diyos, upang gawing ulan at sa daigdig ay ibuhos. Ang mga ulap ay ginagawa niyang ulan, at masaganang ibinubuhos sa sangkatauhan.
Job 36:26-28 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Tunay na makapangyarihan ang Diyos at hinding-hindi natin kayang unawain ang kanyang kadakilaan. Kahit ang kanyang mga taon ay hindi natin mabibilang. “Ang Diyos ang nagpapaakyat ng tubig mula sa lupa at ginagawa niyang ulan. Bumubuhos ang ulan mula sa ulap at ang lahat ng taoʼy nakikinabang.
Job 36:26-28 Ang Biblia (TLAB)
Narito, ang Dios ay dakila, at hindi natin nakikilala siya; hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon. Sapagka't pinailanglang niya ang mga patak ng tubig, na nagiging ulan mula sa singaw na yaon: Na ibinubuhos ng mga langit at ipinapatak na sagana sa tao.
Job 36:26-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Di masusukat ng tao ang kanyang kadakilaan, at ang kanyang mga taon ay hindi rin mabibilang. “Ang tubig sa lupa'y itinataas ng Diyos, upang gawing ulan at sa daigdig ay ibuhos. Ang mga ulap ay ginagawa niyang ulan, at masaganang ibinubuhos sa sangkatauhan.
Job 36:26-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Narito, ang Dios ay dakila, at hindi natin nakikilala siya; Hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon. Sapagka't pinailanglang niya ang mga patak ng tubig, Na nagiging ulan mula sa singaw na yaon: Na ibinubuhos ng mga langit At ipinapatak na sagana sa tao.