Job 34:10-11
Job 34:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Makinig kayo sa akin, mga taong magagaling, ang Makapangyarihang Diyos ba'y maaakay sa masamang gawain? Ginagantimpalaan niya ang tao ayon sa gawa, ang iginagawad sa kanila ay iyon lamang tama.
Job 34:10-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Kaya makinig kayo sa akin, kayong mga nagsasabing kayo ay nakakaunawa. Ang Diyos na Makapangyarihan ay hindi gumagawa ng masama. Ginagantihan niya ang tao ayon sa mga ginawa nito; pinakikitunguhan niya ang tao ayon sa nararapat sa ugali nito.
Job 34:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa: malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama; at sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan. Sapagka't ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya, at ipatatagpo sa bawa't tao ang ayon sa kaniyang mga lakad.
Job 34:10-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Makinig kayo sa akin, mga taong magagaling, ang Makapangyarihang Diyos ba'y maaakay sa masamang gawain? Ginagantimpalaan niya ang tao ayon sa gawa, ang iginagawad sa kanila ay iyon lamang tama.
Job 34:10-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa: Malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama; At sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan. Sapagka't ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya, At ipatatagpo sa bawa't tao ang ayon sa kaniyang mga lakad.