Job 33:28-30
Job 33:28-30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi niya itinulot na ako'y mamatay, magpahanggang ngayon ako'y nabubuhay. Hindi lang minsan na ito'y ginawa ng Diyos, na iligtas ang tao sa kanyang pagkakalugmok, at ang buhay nito'y punuin ng lugod.
Job 33:28-30 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Iniligtas niya ako sa kamatayan at patuloy akong nabubuhay.’ “Oo, ginagawa ng Diyos ang mga bagay na ito nang paulit-ulit para sa tao. Inililigtas niya ang tao sa kamatayan upang mabuhay ito.
Job 33:28-30 Ang Biblia (TLAB)
Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag. Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao, Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
Job 33:28-30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hindi niya itinulot na ako'y mamatay, magpahanggang ngayon ako'y nabubuhay. Hindi lang minsan na ito'y ginawa ng Diyos, na iligtas ang tao sa kanyang pagkakalugmok, at ang buhay nito'y punuin ng lugod.
Job 33:28-30 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, At ang aking buhay ay makakakita ng liwanag. Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, Makalawa, oo, makaitlo sa tao, Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, Upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.