Job 24:13-17
Job 24:13-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“May mga taong nagtatakwil sa liwanag; di nila ito maunawaan, patnubay nito'y ayaw sundan. Bumabangon ang mamamatay-tao sa madaling araw, at ang kawawang dukha'y kanyang pinapaslang. Pagsapit naman ng gabi, siya ay nagnanakaw. Ang nakikiapid ay naghihintay na dumilim, nagtatakip ng mukha upang walang makapansin. Kung gabi naman sumasalakay ang mga magnanakaw; ayaw nila sa liwanag kaya't nagtatago pagsikat ng araw. Liwanag ng araw ay kanilang kinatatakutan, ngunit di sila nasisindak sa matinding kadiliman.”
Job 24:13-17 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“May mga taong kumakalaban sa liwanag. Hindi sila lumalakad sa liwanag at hindi nila ito nauunawaan. Ang mga mamamatay-tao ay bumabangon ng maaga at pinapatay ang mga dukha, at sa gabi namaʼy nagnanakaw. Ang mangangalunyaʼy naghihintay na dumilim upang walang makakita sa kanya. Tinatakpan niya ang kanyang mukha upang walang makakilala sa kanya. Sa gabi, pinapasok ng mga magnanakaw ang mga bahay. Sa araw, nagtatago sila dahil umiiwas sila sa liwanag. Itinuturing nilang liwanag ang dilim, dahil gusto nila ang nakakatakot na kadiliman.”
Job 24:13-17 Ang Biblia (TLAB)
Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, ni tumatahan man sa mga landas niyaon. Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw. Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: at nagiiba ng kaniyang mukha. Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; hindi nila nalalaman ang liwanag, Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.
Job 24:13-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“May mga taong nagtatakwil sa liwanag; di nila ito maunawaan, patnubay nito'y ayaw sundan. Bumabangon ang mamamatay-tao sa madaling araw, at ang kawawang dukha'y kanyang pinapaslang. Pagsapit naman ng gabi, siya ay nagnanakaw. Ang nakikiapid ay naghihintay na dumilim, nagtatakip ng mukha upang walang makapansin. Kung gabi naman sumasalakay ang mga magnanakaw; ayaw nila sa liwanag kaya't nagtatago pagsikat ng araw. Liwanag ng araw ay kanilang kinatatakutan, ngunit di sila nasisindak sa matinding kadiliman.”
Job 24:13-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, Ni tumatahan man sa mga landas niyaon. Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, Pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; At sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw. Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, Na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: At nagiiba ng kaniyang mukha. Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: Sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; Hindi nila nalalaman ang liwanag, Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, Sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.