Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 24:1-25

Job 24:1-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

“Bakit di nagtatakda ang Makapangyarihang Diyos ng araw ng paghuhukom, upang masaksihan ng mga matuwid ang kanyang paghatol? “Binabago ng mga tao ang hangganan ng mga lupa, nagnanakaw ng mga hayop na iba ang nag-alaga. Tinatangay nila ang asno ng mga ulila, kinakamkam sa mga biyuda ang bakang isinangla. Ang mahirap ay itinataboy sa lansangan; at dahil sa takot, naghahanap ito ng taguan. “Kaya ang dukha, tulad ay asnong mailap, hinahalughog ang gubat, mapakain lang ang anak. Gumagapas sila sa bukid na hindi kanila, natirang ubas ng mga masasama pinupulot nila. Kanilang katawan ay walang saplot; sa lamig ng gabi, wala man lamang kumot. Nauulanan sila doon sa kabundukan; mga pagitan ng bato ang kanilang silungan. “Inaalipin ng masasama ang mga ulila; mga anak ng may utang, kanilang kinukuha. Hubad na pinaglalakad ang mga mahirap, labis ang gutom habang sila'y pinapagapas. Sila ang nagkakatas ng ubas at olibo, ngunit di man lamang makatikim ng alak at langis nito. Mga naghihingalo at mga sugatan, sa loob ng lunsod ay nagdadaingan, ngunit di pa rin pansin ng Diyos ang kanilang panawagan. “May mga taong nagtatakwil sa liwanag; di nila ito maunawaan, patnubay nito'y ayaw sundan. Bumabangon ang mamamatay-tao sa madaling araw, at ang kawawang dukha'y kanyang pinapaslang. Pagsapit naman ng gabi, siya ay nagnanakaw. Ang nakikiapid ay naghihintay na dumilim, nagtatakip ng mukha upang walang makapansin. Kung gabi naman sumasalakay ang mga magnanakaw; ayaw nila sa liwanag kaya't nagtatago pagsikat ng araw. Liwanag ng araw ay kanilang kinatatakutan, ngunit di sila nasisindak sa matinding kadiliman.” Sinabi ni Zofar, “Ang masamang tao'y tinatangay ng baha, sinumpa ng Diyos ang kanilang lupa; sa ubasan nila'y ni walang mangahas magsaka. Kung paanong ang yelo ay natutunaw sa tag-init, gayundin ang masama, naglalaho sa daigdig. Kahit ang kanyang ina sa kanya'y nakakalimot; parang punong nabuwal, inuuod at nabubulok. Pagkat inapi niya ang babaing di nagkaanak, at ang mga biyuda ay kanyang hinamak. Winawasak ng Diyos ang buhay ng malalakas; kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas. Hayaan man ng Diyos na mabuhay ito nang tiwasay, sa bawat sandali, siya'y nagbabantay. Umunlad man ang masama, ngunit panandalian lamang, natutuyo ring tulad ng damo at halaman, parang bungkos ng inani na binunot sa taniman. Kasinungalingan ba ang sinasabi ko? Sinong makapagpapatunay na ito'y di totoo?”

Job 24:1-25 Ang Salita ng Diyos (ASD)

“Bakit hindi pa itakda ng Diyos na Makapangyarihan ang kanyang paghatol? Bakit hindi makita ng mga nakakakilala sa kanya ang panahong iyon ng paghatol? Nangangamkam ng lupain ang masasamang tao sa pamamagitan ng paglilipat ng muhon. Nagnanakaw sila ng mga hayop at isinasama sa sarili nilang kawan. Ninanakaw nila ang mga asno ng mga ulila, at kinukuha nila ang baka ng biyuda bilang sangla sa utang. Inaapi nila ang mga dukha kaya napipilitang magtago ang mga ito. Naghahanap sila ng kanilang pagkain sa ilang na parang mga asnong-gubat, dahil wala silang ibang lugar na mapagkukunan ng pagkain para sa kanilang mga anak. Namumulot sila ng mga tirang bunga sa mga bukid, pati na sa ubasan ng taong masama. Sa gabiʼy natutulog silang giniginaw dahil wala silang damit o kumot man lamang. Nababasa sila ng ulan sa mga kabundukan, at sumisiksik na lang sa mga siwang ng bato dahil walang masilungan. Kinukuha ang anak ng biyuda at babaeng dukha bilang garantiya sa pagkakautang nila. Lumalakad na walang saplot ang mga dukha; tagapasan sila ng mga inaning trigo, ngunit nagugutom pa rin sila. Silaʼy pumipiga ng mga olibo sa loob ng mga pader. Tinatapakan nila ang mga ubas sa pisaan subalit nauuhaw pa rin sila. Naririnig sa lungsod ang daing ng mga nag-aagaw-buhay at mga sugatang humihingi ng tulong, ngunit hindi ginagantihan ng Diyos ang mga gumawa nito sa kanila. “May mga taong kumakalaban sa liwanag. Hindi sila lumalakad sa liwanag at hindi nila ito nauunawaan. Ang mga mamamatay-tao ay bumabangon ng maaga at pinapatay ang mga dukha, at sa gabi namaʼy nagnanakaw. Ang mangangalunyaʼy naghihintay na dumilim upang walang makakita sa kanya. Tinatakpan niya ang kanyang mukha upang walang makakilala sa kanya. Sa gabi, pinapasok ng mga magnanakaw ang mga bahay. Sa araw, nagtatago sila dahil umiiwas sila sa liwanag. Itinuturing nilang liwanag ang dilim, dahil gusto nila ang nakakatakot na kadiliman.” “Subalit ang masasama ay hindi magtatagal, gaya ng bula sa tubig. Kahit na ang lupa na kanilang pag-aari ay isinumpa ng Diyos. Kaya walang pumaparoon kahit sa kanilang ubasan. Kung paanong ang yelo ay natutunaw at nawawala dahil sa init, ang makasalanan ay mawawala rin sa daigdig. Lilimutin na sila at hindi na maaalala kahit ng kanilang ina. Lilipulin silang tulad ng pinutol na punongkahoy at kakainin sila ng mga uod. Sapagkat hindi maganda ang pakikitungo nila sa mga babaeng baog at hindi sila nahahabag sa mga biyuda. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, ibabagsak niya ang mga taong makapangyarihan. Kahit na malakas sila, walang katiyakan ang buhay nila. Maaaring hayaan sila ng Diyos na mamuhay nang panatag, ngunit binabantayan niya ang lahat ng kilos nila. Maaari rin silang magtagumpay, subalit sandali lang iyon dahil hindi magtatagal ay mawawala sila na parang bulaklak na nalalanta o parang uhay na ginapas. “Kung hindi tama ang sinabi ko, sinong makapagpapatunay na sinungaling ako? Sinoʼng makapagsasabing mali ako?”

Job 24:1-25 Ang Biblia (TLAB)

Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya? May nagsisipagbago ng lindero; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab. Kanilang itinataboy ang asno ng ulila, kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla. Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan: ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama. Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang, sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak. Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama. Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot. At walang kumot sa ginaw. Sila'y basa ng ulan sa mga bundok, at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan. May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso, at nagsisikuha ng sangla ng dukha: Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit, at palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis; Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito; sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw. Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao, at ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw; gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios. Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, ni tumatahan man sa mga landas niyaon. Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw. Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: at nagiiba ng kaniyang mukha. Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; hindi nila nalalaman ang liwanag, Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman. Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan. Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: gaya ng Sheol ng mga nagkakasala. Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod; siya'y hindi na maaalaala pa: at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy. Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao. Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan: siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay. Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad. Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, at nangaputol na gaya ng mga uhay. At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling, at magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?

Job 24:1-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

“Bakit di nagtatakda ang Makapangyarihang Diyos ng araw ng paghuhukom, upang masaksihan ng mga matuwid ang kanyang paghatol? “Binabago ng mga tao ang hangganan ng mga lupa, nagnanakaw ng mga hayop na iba ang nag-alaga. Tinatangay nila ang asno ng mga ulila, kinakamkam sa mga biyuda ang bakang isinangla. Ang mahirap ay itinataboy sa lansangan; at dahil sa takot, naghahanap ito ng taguan. “Kaya ang dukha, tulad ay asnong mailap, hinahalughog ang gubat, mapakain lang ang anak. Gumagapas sila sa bukid na hindi kanila, natirang ubas ng mga masasama pinupulot nila. Kanilang katawan ay walang saplot; sa lamig ng gabi, wala man lamang kumot. Nauulanan sila doon sa kabundukan; mga pagitan ng bato ang kanilang silungan. “Inaalipin ng masasama ang mga ulila; mga anak ng may utang, kanilang kinukuha. Hubad na pinaglalakad ang mga mahirap, labis ang gutom habang sila'y pinapagapas. Sila ang nagkakatas ng ubas at olibo, ngunit di man lamang makatikim ng alak at langis nito. Mga naghihingalo at mga sugatan, sa loob ng lunsod ay nagdadaingan, ngunit di pa rin pansin ng Diyos ang kanilang panawagan. “May mga taong nagtatakwil sa liwanag; di nila ito maunawaan, patnubay nito'y ayaw sundan. Bumabangon ang mamamatay-tao sa madaling araw, at ang kawawang dukha'y kanyang pinapaslang. Pagsapit naman ng gabi, siya ay nagnanakaw. Ang nakikiapid ay naghihintay na dumilim, nagtatakip ng mukha upang walang makapansin. Kung gabi naman sumasalakay ang mga magnanakaw; ayaw nila sa liwanag kaya't nagtatago pagsikat ng araw. Liwanag ng araw ay kanilang kinatatakutan, ngunit di sila nasisindak sa matinding kadiliman.” Sinabi ni Zofar, “Ang masamang tao'y tinatangay ng baha, sinumpa ng Diyos ang kanilang lupa; sa ubasan nila'y ni walang mangahas magsaka. Kung paanong ang yelo ay natutunaw sa tag-init, gayundin ang masama, naglalaho sa daigdig. Kahit ang kanyang ina sa kanya'y nakakalimot; parang punong nabuwal, inuuod at nabubulok. Pagkat inapi niya ang babaing di nagkaanak, at ang mga biyuda ay kanyang hinamak. Winawasak ng Diyos ang buhay ng malalakas; kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas. Hayaan man ng Diyos na mabuhay ito nang tiwasay, sa bawat sandali, siya'y nagbabantay. Umunlad man ang masama, ngunit panandalian lamang, natutuyo ring tulad ng damo at halaman, parang bungkos ng inani na binunot sa taniman. Kasinungalingan ba ang sinasabi ko? Sinong makapagpapatunay na ito'y di totoo?”

Job 24:1-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya? May nagsisipagbago ng lindero; Kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab. Kanilang itinataboy ang asno ng ulila, Kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla. Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan: Ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama. Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang, Sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain; Ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak. Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain; At kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama. Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot. At walang kumot sa ginaw. Sila'y basa ng ulan sa mga bundok, At niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan. May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso, At nagsisikuha ng sangla ng dukha: Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit, At palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis; Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito; Sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw. Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao, At ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw; Gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios. Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, Ni tumatahan man sa mga landas niyaon. Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, Pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; At sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw. Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, Na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: At nagiiba ng kaniyang mukha. Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: Sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; Hindi nila nalalaman ang liwanag, Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, Sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman. Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; Ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: Siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan. Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: Gaya ng Sheol ng mga nagkakasala. Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod; Siya'y hindi na maaalaala pa: At ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy. Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak; At hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao. Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan Siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay. Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; At ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad. Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, At nangaputol na gaya ng mga uhay. At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling, At magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?