Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 20:1-29

Job 20:1-29 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Sinabi ni Zofar na Naamita, “Ang iyong mga sinabi ay hindi ko na nagugustuhan kaya hindi ko na mapigilan ang pagsali sa usapan. Ang iyong mga sinabi ay puro panlalait, kaya't tugon ko ngayo'y aking ipababatid. “Hindi mo ba nalalaman na buhat pa sa simula, nang ang tao ay ilagay sa ibabaw ng lupa, ang pagmamataas ng masama ay di nagtatagal, umabot man sa langit ang kanyang katanyagan, at ang kanyang ulo, sa ulap ay umabot man. Ngunit tulad ng alabok, ganap siyang mapaparam; ang hantungan niya'y hindi alam ng sinuman. Siya'y parang panaginip na mawawala, parang pangitain sa gabi, di na muling makikita. Di na siya muli pang makikita ng mga dating kaibigan at kapamilya. Makikisama sa mahihirap ang kanyang mga anak; kayamanang kinamkam, mapapabalik lahat. Ang lakas ng kabataan na dati niyang taglay, kasama niyang mahihimlay sa alabok na hantungan. “Ang lasa ng kasamaan para sa kanya ay matamis, ninanamnam pa sa dila, samantalang nasa bibig. Itong kanyang kasamaan ay hindi niya maiwan; kahit gusto man niyang iluwa ay di niya magagawa. Ngunit nang ito'y lunukin, dumaan sa lalamunan, ubod pala ng pait, lason sa katawan. Kayamanang kinamkam niya, kanya ngayong isusuka; palalabasin nga ng Diyos mula sa kanyang bituka. Ang nilulunok ng taong masama ay tulad ng kamandag, parang tuklaw ng isang ahas na sa kanya ay papatay. Ang mga ilog at batis na siyang dinadaluyan ng pulot at gatas ay di na niya mamamasdan. Di rin niya papakinabangan lahat ng pinaghirapan; di niya malalasap ang naipong kayamanan, sapagkat ang mahihirap ay inapi niya, kinamkam ang mga bahay na itinayo ng iba. “Kanyang pagkagahaman ay walang katapusan, walang nakakaligtas sa kanyang kasakiman. Kapag siya'y kumakain, wala siyang itinitira, ngunit ang kasaganaan niya ngayo'y magwawakas na. Sa kanyang kasaganaan, daranas ng kagipitan at siya'y daratnan ng patung-patong na kahirapan. Kumain na siya't magpakabusog! Matinding galit ng Diyos sa kanya'y ibubuhos. Makaligtas man siya sa tabak na bakal, palasong tanso naman ang sa kanya'y magbubuwal. Kapag ito'y itinudla sa apdo niya ay tutusok; kung makita niya ito, manginginig siya sa takot. Matinding kadiliman ang sa kanya'y naghihintay; masusunog siya sa apoy na hindi namamatay. Wala ring matitira sa kanyang pamilya. Ipahahayag ng langit ang kasamaan ng taong ito, laban sa kanya, ang lupa'y magpapatotoo. Ang lahat ng kayamanan niya ay sisirain, sa galit ng Diyos ito ay tatangayin. “Ganito ang sasapitin ng lahat ng masasama, kapasyahan ng Diyos, sa kanila'y itinakda.”

Job 20:1-29 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama, “Kailangang magsalita na ako dahil hindi ako mapakali. Sinaway mo ako nang may pangungutya at may nag-uudyok sa isip kong ikaw ay sagutin. “Tiyak na alam mo na mula pa noong unang panahon, simula nang likhain ang tao sa mundo, ang ligaya ng masamang taoʼy panandalian lang. Totoong hindi nagtatagal ang kasiyahan ng taong hindi naniniwala sa Diyos. Kahit na kasintaas ng langit at ulap ang tingin niya sa kanyang sarili, mawawala rin siya magpakailanman katulad ng kanyang dumi. Ang mga kakilala niyaʼy magtataka kung nasaan na siya. Mawawala siya na parang isang panaginip o pangitain sa gabi at hinding-hindi na matatagpuan. Hindi na siya makikita ng mga nakakakilala sa kanya at mawawala siya sa dati niyang tirahan. Ang mga anak niya ang magbabayad ng mga ninakaw niya sa mga dukha. Ang lakas ng kabataang kanyang taglay sa alabok ay kasama niyang mahihimlay. “Ang paggawa niya ng masama ay parang pagkaing matamis sa kanyang bibig na nginunguyang mabuti at ninanamnam. Ngunit pagdating sa tiyan, ito ay nagiging maasim at lalason sa kanya na parang kamandag ng ahas. Isusuka niya ang kayamanang ninakaw niya. Ipapasuka ito ng Diyos sa kanya kahit itoʼy nasa tiyan na niya. Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas at ang pangil ng ahas ang papatay sa kanya. Hindi na niya matitikman ang saganang langis, gatas, at ang pulot na dumadaloy na parang batis o ilog. Hindi siya gagantimpalaan para sa kanyang pinaghirapan o matutuwa man sa kanyang kayamanan. Sapagkat inapi niya at pinabayaan ang mga dukha, at inagaw ang mga bahay na hindi sa kanya. “Hindi niya mapapakinabangan ang kanyang pinaghirapan. Lahat ng magugustuhan niya ay hindi makakaligtas sa kanya. Wala nang matitira sa kanya na makakain niya dahil mawawala ang kanyang kayamanan. Sa kanyang kasaganaan, darating sa kanya ang kahirapan. Labis na paghihirap nga ang darating sa kanya. Bubusugin siya ng Diyos ng paghihirap. Patitikimin siya ng Diyos ng kanyang matinding galit, at pauulanan ng parusa. Maaaring makatakas siya sa sandatang bakal ngunit tatamaan din siya ng panang tanso. Tutusok ito sa kanyang apdo at tatagos sa kanyang katawan. At makakaramdam siya ng takot. Mawawala ang kanyang kayamanan sa kadiliman. Susunugin siya ng apoy na hindi tao ang nagpaningas, pati na ang lahat ng naiwan sa kanyang tirahan. Ihahayag ng langit ang mga kasalanan niya at sasaksi naman ang lupa laban sa kanya. Tatangayin ng baha ang bahay niya sa araw na ibuhos ng Diyos ang kanyang galit. Iyan ang kapalaran ng taong masama ayon sa itinakda ng Diyos sa kanya.”

Job 20:1-29 Ang Biblia (TLAB)

Nang magkagayo'y sumagot si Zophar na Naamathita, at nagsabi, Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip, dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko. Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan, at ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin. Hindi mo ba nalalaman ito ng una, mula nang ang tao'y malagay sa lupa, Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang? Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit, at ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap; Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya? Siya'y mawawala na gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan. Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi. Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa; ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook. Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha, at ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan. Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan, nguni't hihiga na kasama niya sa alabok. Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila; Bagaman kaniyang patawarin, at hindi niya ito babayaan, kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig; Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya. Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli: mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan. Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong. Hindi niya matitingnan ang mga ilog, ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya. Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin; ayon sa pag-aari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak. Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha; kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo. Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya, hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran. Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal; kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili. Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya; ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya. Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan, ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya. At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain. Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal, at ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya. Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan: Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo; mga kakilabutan ang sumasa kaniya. Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya: susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda. Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, at ang lupa ay babangon laban sa kaniya. Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon, ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan. Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios, at ang manang takda sa kaniya ng Dios.

Job 20:1-29 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Sinabi ni Zofar na Naamita, “Ang iyong mga sinabi ay hindi ko na nagugustuhan kaya hindi ko na mapigilan ang pagsali sa usapan. Ang iyong mga sinabi ay puro panlalait, kaya't tugon ko ngayo'y aking ipababatid. “Hindi mo ba nalalaman na buhat pa sa simula, nang ang tao ay ilagay sa ibabaw ng lupa, ang pagmamataas ng masama ay di nagtatagal, umabot man sa langit ang kanyang katanyagan, at ang kanyang ulo, sa ulap ay umabot man. Ngunit tulad ng alabok, ganap siyang mapaparam; ang hantungan niya'y hindi alam ng sinuman. Siya'y parang panaginip na mawawala, parang pangitain sa gabi, di na muling makikita. Di na siya muli pang makikita ng mga dating kaibigan at kapamilya. Makikisama sa mahihirap ang kanyang mga anak; kayamanang kinamkam, mapapabalik lahat. Ang lakas ng kabataan na dati niyang taglay, kasama niyang mahihimlay sa alabok na hantungan. “Ang lasa ng kasamaan para sa kanya ay matamis, ninanamnam pa sa dila, samantalang nasa bibig. Itong kanyang kasamaan ay hindi niya maiwan; kahit gusto man niyang iluwa ay di niya magagawa. Ngunit nang ito'y lunukin, dumaan sa lalamunan, ubod pala ng pait, lason sa katawan. Kayamanang kinamkam niya, kanya ngayong isusuka; palalabasin nga ng Diyos mula sa kanyang bituka. Ang nilulunok ng taong masama ay tulad ng kamandag, parang tuklaw ng isang ahas na sa kanya ay papatay. Ang mga ilog at batis na siyang dinadaluyan ng pulot at gatas ay di na niya mamamasdan. Di rin niya papakinabangan lahat ng pinaghirapan; di niya malalasap ang naipong kayamanan, sapagkat ang mahihirap ay inapi niya, kinamkam ang mga bahay na itinayo ng iba. “Kanyang pagkagahaman ay walang katapusan, walang nakakaligtas sa kanyang kasakiman. Kapag siya'y kumakain, wala siyang itinitira, ngunit ang kasaganaan niya ngayo'y magwawakas na. Sa kanyang kasaganaan, daranas ng kagipitan at siya'y daratnan ng patung-patong na kahirapan. Kumain na siya't magpakabusog! Matinding galit ng Diyos sa kanya'y ibubuhos. Makaligtas man siya sa tabak na bakal, palasong tanso naman ang sa kanya'y magbubuwal. Kapag ito'y itinudla sa apdo niya ay tutusok; kung makita niya ito, manginginig siya sa takot. Matinding kadiliman ang sa kanya'y naghihintay; masusunog siya sa apoy na hindi namamatay. Wala ring matitira sa kanyang pamilya. Ipahahayag ng langit ang kasamaan ng taong ito, laban sa kanya, ang lupa'y magpapatotoo. Ang lahat ng kayamanan niya ay sisirain, sa galit ng Diyos ito ay tatangayin. “Ganito ang sasapitin ng lahat ng masasama, kapasyahan ng Diyos, sa kanila'y itinakda.”

Job 20:1-29 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nang magkagayo'y sumagot si Zophar na Naamathita, at nagsabi, Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip, Dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko. Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan, At ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin. Hindi mo ba nalalaman ito ng una, Mula nang ang tao'y malagay sa lupa, Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, At ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang? Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit, At ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap; Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: Silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya? Siya'y mawawala na gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan. Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi. Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa; Ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook. Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha, At ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan. Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan, Nguni't hihiga na kasama niya sa alabok. Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, Bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila; Bagaman kaniyang patawarin, at hindi niya ito babayaan, Kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig; Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, Siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya. Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli: Mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan. Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas; Papatayin siya ng dila ng ulupong. Hindi niya matitingnan ang mga ilog, Ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya. Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin; Ayon sa pagaari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak. Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha; Kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo. Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya, Hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran. Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal; Kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili. Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya; Ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya. Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan, Ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya. At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain. Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal, At ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya. Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan: Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo; Mga kakilabutan ang sumasa kaniya. Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; Isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya: Susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda. Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, At ang lupa ay babangon laban sa kaniya. Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon, Ang kaniyang mga pagaari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan. Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios, At ang manang takda sa kaniya ng Dios.