Job 13:5-12
Job 13:5-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tumahimik na lamang sana kayo, baka akalain pa ng iba na kayo'y matalino. Pakinggan ninyo ngayon ang aking sasabihin, at ang aking panig ay inyong unawain. Bakit ba kayo'y nagsasalita ng di katotohanan? Makatutulong ba sa Diyos ang inyong kasinungalingan? Kayo ba ang tatayo at siya ay ipaglalaban? Kayo ba ang magtatanggol sa kanyang kalagayan? Kung siyasatin kayo ng Diyos, ano kaya ang makikita, siya ba'y inyong madadayang tulad ng iba? Tiyak na siya'y magagalit, kayo ay pagsasabihan, kahit pa lihim na mayroon kayong kinikilingan. Sasakmalin kayo ng takot pagkat siya'y makapangyarihan. Mga kasabihan ninyo'y walang silbi tulad ng abo, singhina ng putik ang mga katuwiran ninyo.
Job 13:5-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mas mabuti pang tumahimik na lang kayo. Iyan ang pinakamabuti nʼyong gawin. Pakiusap naman! Pakinggan ninyo ang katuwiran ko. Ipagtatanggol nʼyo ba ang Diyos sa pamamagitan ng pagsisinungaling? Kumakampi ba kayo sa kanya? Ipagtatanggol ba ninyo siya sa harap ng Diyos? Kung siyasatin kaya kayo ng Diyos, may kabutihan kaya siyang makikita sa inyo? Huwag ninyong isipin na madadaya ninyo siya tulad ng pandaraya ninyo sa mga tao. Tiyak na sasawayin kayo ng Diyos kahit na kinakampihan ninyo siya. Hindi ba kayo natatakot sa kapangyarihan niya? Ang mga binabanggit nʼyong kasabihan ay walang kabuluhan; itoʼy parang abo. Ang mga katuwiran nʼyo ay marupok gaya ng palayok.
Job 13:5-12 Ang Biblia (TLAB)
Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan. Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi. Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya? Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios? Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya? Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao. Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo? Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
Job 13:5-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tumahimik na lamang sana kayo, baka akalain pa ng iba na kayo'y matalino. Pakinggan ninyo ngayon ang aking sasabihin, at ang aking panig ay inyong unawain. Bakit ba kayo'y nagsasalita ng di katotohanan? Makatutulong ba sa Diyos ang inyong kasinungalingan? Kayo ba ang tatayo at siya ay ipaglalaban? Kayo ba ang magtatanggol sa kanyang kalagayan? Kung siyasatin kayo ng Diyos, ano kaya ang makikita, siya ba'y inyong madadayang tulad ng iba? Tiyak na siya'y magagalit, kayo ay pagsasabihan, kahit pa lihim na mayroon kayong kinikilingan. Sasakmalin kayo ng takot pagkat siya'y makapangyarihan. Mga kasabihan ninyo'y walang silbi tulad ng abo, singhina ng putik ang mga katuwiran ninyo.
Job 13:5-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan. Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, At inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi. Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, At mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya? Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios? Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya? Walang pagsalang sasawayin niya kayo, Kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao. Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, At ang gulat sa kaniya ay sasa inyo? Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, Ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.